Ramadan bonus sa ARMM itinanggi ng OWWA

ITINANGGI ng tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na namamahagi sila ng “Ramadan Bonus.”

Ang isyu ng pamamagi ng ‘Ramadan Bonus’ ay lumitaw nang dumagsa ang mahigit 500 dating OFW sa tanggapan ng OWWA-ARMM sa Quezon Avenue sa Cotabato City para kumuha ng OWWA-ARMM ng bonus.

Ipinaliwanag ni OWWA-ARMM Administrator Amy Crisostomo na wala silang binibigay na P10,000 sa mga dating OFW.

Sinabi pa ni Crisostomo, sa ngayon ang kanilang ginagawa ay tumanggap ng mga aplikasyon para sa pautang sa mga dating OFW na minaltrato ng kanilang mga amo, na-deport o umuwi dahil hindi nakayanan ang hirap doon.

Aniya, ito ay paunang gawain kaugnay sa pangakong loan package ni Pangulong Benigno Aquino III.

Kaugnay nito, nagbabala rin si Crisostomo sa mga mag-aaplay na huwag maniwala sa mga “fixer” na nagsasabing kaya nilang mapabilis ang proseso dahil mahigpit ang kanilang ginagawang screening upang masigurong sa tamang mga tao mapupunta ang pondo ng pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply