Ratsada ng balita at SINA ni PNoy

MAINIT, nagbabaga at naglalagablab ang ratsada ng mga balita:  fund scam sa PCSO  – Philippine Charity Sweepstakes Office na binubuo ng intelligence, advertising funds, sasakyan na ibinigay sa mga obispo, conflict of interest sa bentahan ng ari-arian at nilagdaang mga  kontrata na sangkot ang mga dating opisyal ng PCSO.

Ang Kongreso ay hindi dapat maging karnabal ng mga sirkero na pagkatapos ng palabas ay wala nang mangyayari.

Ang iniulat na dayaan sa 2004 general at 2007 midterm elections sa paglutang ni Atty. Lintang Bedol na election supervisor sa Maguindanao at ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na suspect sa Maguindanao massacre na ikinamatay ng 58 katao. Ito ay itinuturing na pinakamadugo sa kasaysayan ng pulitika sa ating bansa.

Pulitika ang pinakaugat ng malubhang mga pangyayari sa ating lipunan, tulad ng sa angkan ng Ampatuan at mga lokal na opisyal na ngayon pa lamang ay pumoporma na para sa darating na eleksiyon.

Ito ay nagaganap na ngayon sa mga lungsod ng Pasay at Caloocan, balak na paghahati sa lalawigan ng Camarines Sur at karahasan sa iba’t ibang lugar nang dahil sa pulitika.

Walang “deal” na niluluto ang Palasyo sa kaso nina Ampatuan at Bedol.

Nakipagpulong na si PNoy sa mga biktima ng Maguindanao massacre at tiniyak na hindi puwedeng maging state witness si Ampatuan sapagkat hindi naman umaamin sa pagkakasala.

Kapwa nagsasabi sina Bedol at Ampatuan na nagkaroon ng dayaan sa mga halalan noong 2004 at 2007. Nagpalabas ng affidavit na wala namang mga lagda. Si Bedol na nagtago nang halos apat na taon ay biglang lu-mutang at ngayon ay ipinasiya ng Comelec na ikulong sa pnp custodial center sa Camp Crame upang simulan ang parusang anim na buwang pagkabilanggo for direct contemp at pagkawala ng mga election document sa Maguindanao.

Kung sadyang may sapat na ebidensiya sa mga dayaan – bakit hinintay pa na matapos ang five years prescriptive period para sa general elections noong 2004?
Bakit walang sinoman na nagha-rap ng kaso laban sa mga utak ng sinasabing anomalya sa halalan?

Hindi naman puwede na tayo ay laging makinig sa pinagtahi-tahing mga istorya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply