Ratsada sa sports tourism sa Zambales

PUSPUSANG tunay ang pagtatrabaho ni Gob. Jun Ebdane ng Zambales para mapalawig ang turismo sa lalawigan. Sunod-sunod na events ang nakahanay ngayong Hulyo.

Una sa programa ang “Sta. Cruz-Mangatarem Trail Expedition Motocross” sa huling araw ng buwang ito. Tatlong uri naman ng paligsahan ang nakahanay sa Agosto: ang “First Gov. Jun Ebdane 4X4 Offroad Challenge” sa Barangay Carael ng Botolan sa Agosto 20-21; ang “Big Z Surfing Competition” at ang “Zamba Attack Skim and Skate Competition” na kapwa sa Barangay Pundaquit, San Antonio sa Agosto 19-21 din. Bagama’t ang dalawang huling events ay inorganisa ng LGU ng San Antonio, kasama ang mga grupo ng surfers at skim-boarders, nagbigay ng all-out support ang gobernador dito sa pamamagitan ng sponsorship.

Sa amuki na rin ni Gob. Ebdane, magkakaroon ng buwanang boxing matches sa Capitol grounds sa Agosto hanggang Disyembre.

Ang kompetisyon ay bukas sa amateur boxers ng probinsya para sa limang weight categories.

Bagama’t hindi pa plantsado ang plano, nakahanay din ang “Epic Relay Marathon” sa Setyembre; Kayak race sa Oktubre; at Dragon Boat race sa Nobyembre.  Magtatapos ang taon sa isa na namang dalawang araw na “Kaligawan ha Mayanan” na tatampukan ng multi-sports activities at fun games.

Ang mga nakahanay na activity ay pawang nasa mga buwan ng tag-ulan. Ito umano ang paraan ni Gob. Ebdane na makapagbigay-suporta sa mga hanapbuhay sa industriya ng turismo na karamihan ay hindi kumikita sa mga ganitong panahon. Kaya’t sa programa ng gobernador, buhay at nanghihikayat ng mga turista ang lalawigan sa buong taon.

Magandang abangan ang motocross trail expedition sa Hulyo 30. Babagtasin ng mga kalahok ang bagong gawang kalsada na nagdurugtong sa Silangang bahagi ng Pangasinan at Hilagang Zambales. Ang kalsadang ito, kasama ang Capas-Botolan highway, ay isa rin sa pet projects ng gobernador na naglalayong buksan ang kanyang lalawigan sa mga bisita buhat sa ibang probinsiya.

Maaalalang iisa lang ang major road na bumabagtas sa buong lalawigan, kaya napakalayo nito kung lalakbayin mula Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply