Rayver di raw apektado sa mga ‘pagkakatsang’ ni Sarah!

MABILIS na nag-react si Rayver Cruz sa tinuran ni Cristine Reyes na nagselos ang real life boyfriend at leading man niya sa mga nakaka-eksena nito nu’ng ini-interbyu na namin ang sexy star sa table after ng question and answer portion sa presscon ng bago nilang teleserye sa ABS-CBN, ang “Reputasyon” na nagsimula na last Monday pagkatapos ng “Happy, Yipee, Yehey!”

Hindi raw talaga seloso si Rayver at wala pa raw matinding away talaga ang namagitan sa kanila. Usually, petty quarrels lang daw meron sina Cristine at Rayver. Oks na oks kay Cristine na si Rayver ang kasama niya sa Reputasyon.

Not a big deal din for Rayver kung second choice o third choice man siya bilang leading man ni Cristine. Nabalita kasi nu’ng una na ang sexy hunk na si Derek Ramsay ang makakatambal ni Cristine rito.

Madiin ding sinabi ni Rayver sa amin na ‘di niya naramdaman na nagka-mantsa ang kanyang reputasyon sa mga inilibas na rebelasyon ni Sarah Geronimo tungkol sa kanilang relasyon.

-ooOoo-

ANG mahusay at tinaguriang Queen of Koreanovela theme songs na si Faith Cuneta ang kumanta rin ng theme song ng bagong teleseryeng “The Sisters” na magsisimula na ngayogn Lunes, July 18,  ang Hiram ni ZsaZsa Padilla.

“Hindi nga ako makapaniwalang ako uli yung kakanta para sa bagong series nila. Kasi, marami naman silang puwedeng kuning ibang singers, pero ako uli. Kaya flattering para sa akin. Tapos, sinasabi nga nu’ng iba na malaking kontribusyon raw yung theme ng ‘Babaeng Hampaslupa’ kaya pinapanood ito ng marami,” sabi  ni Faith.

Marami lang ang nakapansin na medyo “malaki” ngayon si Faith.

“Pumayat na po ako nito. I already lost 15 lbs. Siguro lumalabas na ‘yung pagiging Cuneta ko dahil na rin sa age ko. Hirap na talagang magpapayat. Nararamdaman ko na yung nararamdaman ng tita ko
(Sharon Cuneta) na super-effort tapos ang tagal mong pumayat,” pahayag ni Faith.

Ayaw namang mag-comment ni Faith sa kung ano ang plano sa kanya ng Kapatid network. Although, may nasagap kaming balita na baka papirmahin din ng kontrata si Faith at isama sa ipu-put-up nila na bagong musical-variety show every Sunday.

Sa mga gustong mapanood siya, kakanta siya sa malaking comedy concert ng taon sa Zirkoh Tomas Morato sa darating na Sabado, July 16, 10 p.m., titled “Pirates of the Comedians” na pangungunahan nina Jose Manalo, Wally Bayola, Atak at Gladys Guevarra. Special guest sina Jake Cuenca, ang boy group na Pilyo at ang acoustic singer na si Suy.

Asahan din ang pagdating ng malalaking surprise celebrities na kakanta at magpe-perform sa nasabing show. Kaya buy na kayo ng ticket or sumugod lang sa Zirkoh sa Sabado. Sa mga gustong makakuha ng advance tickets, please call or text  09178878902.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply