Rebelde sumalakay sa Sultan Kudarat: 1 patay, 1 sugatan

Isa ang patay habang isa rin ang sugatan makaraang magkasagupa ang mga rebelde at residente ng Brgy. Kepunget, Palimbang, Sultan Kudarat.

Nabatid na nagsimula ang kaguluhan nang pumasok ang armadong grupo sa pangunguna ni Kumander Juk Maulana at Kumander Polo sa naturang barangay.

Nagkasagupa ang mga rebelde at mga residente na nagresulta sa pagkamatay ng isang alyas Boy Takas at pagkasugat ni Kumander Polo.

Dahil dito, lumikas ang mahigit sa 40 pamilya mula sa Brgy. Kepunget habang todo bantay ang mga tropa ng pamahalaan upang mapigilan paglaki ng kaguluhan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply