Red Lions nginata ang Perpetual Help Altas

HINDI na pinagbigayn ng respeto ng San BEda ang NCAA 87th season host na Perpetual Help Altas bagkus ay tinabunan ng defending champion sa iskor na 82-52 ang kalaban sa makulay na pagbubukas kahapon, Sabado, sa Araneta Coliseum.

Hindi naging kakulangan kay coach Frankie Lim ang pagkawala ni Sudan Daniel na nasa injury list nang gumawa ng double-double sina Jake Pascual, 12 points, at 13 boards at si Dave Marcelo, 10 markers, 15 rebounds at maging ang highest pointer na si Rome Dela Rosa na bumuslo ng 15 puntos. Napanatili ng Mendiola dribblers ang 18-0 win-loss record na tangan nila noong 2010 season na dinagdagan pa ng isang panalo sa kanilang paghahabol sa 3-peat sa pianakamatandang collegiate basketball league.

Tulad ng San Beda, hindi rin nakapaglaro si Calvin Abueva na San Sebastian Stags subalit pinasabog nila ang Jose Rizal Heavy Bombers, 73-67, na buena mano ng bagong coach na si Topex Robinsons.

Sa main game ng triple header ay pinabagsak ng San Juan De Letran Knights ang Mapua Cardinals sa iskor na 76-65 sa laro na nabahiran ng bahagyang gusot nang patalsikin sa playing court si Kris Alas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply