Red Lions sasampa sa tatluhang lider sa 87th NCAA tournament

TARGET ng defending champion San Beda College Red Lions na makasama sa San Sebastian College Recoletos Stags at San Juan de Letran Knights sa tuktok ng 87th NCAA seniors basketball tournament sa pagharap nila mamayang gabi sa Arrellano University Chiefs sa The Arena, San Juan City.

Unang nginata ng Mendiola cagers ang Perpetual Help Altas, 82-52, na sinundan ng pag-alis sa piring sa mata ng Lyceum Pirates, 89-69, tungo sa patuloy na panalo mula sa 18-game na diretsong  pamamayagpag noong 2010 NCAA edition.

Purisgido ang koponan ni coach Frankie Lim na mapapanaliti ang pagwawagi sa kabila ng hindi paglalaro ng most valuable player na si Sudan Daniel na dinaraing pa ang anterior cruciate ligament (ACL) injury.

Sasampa ang Red Lions kapantay ng Stags at Knights na tangan ang 3-diretsong panalo kapag nagwagi sa laban ngayong gabi.

Magbabalik naman ang Lyceum Pirates laban sa wala pang panalong Mapua Cardinals sa unang game ng double-header encounter simula alas-dos ng hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply