Reform budget hihimayin ng Senado

TINIYAK ni Senate President Juan Ponce Enrile na walang magaganap na re-enacted budget bagkus hihimayin ng Senado ang reform budget na ihahain ng Palasyo sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.

Ayon kay Enrile, kailangang maipasa kaagad ang reform budget ng administrasyon para sa 2012 upang masuri pa ang iba pang prayoridad na lehislasyon ng Palasyo na makatutulong sa programa ng gobyerno.

Kabilang sa tututukan din ng Senado ang kapabilidad sa pananalapi at ekonomiya ng bansa at pagpapalakas ng mekanismo sa proteksiyon ng kapaligiran at tanggulang bansa.

Nakatakdang simulan kaagad ng Senado ang deliberasyon sa panukalang General Appropriations Act of 2012 sakaling maihain sa Kongreso upang maiwasang gumamit na re-enacted budget sa susunod na taon.

Idinagdag pa ni Enrile na dapat maipasa ng Kongreso ang badyet na mas maaga sa petsang pinagtibay noong nakaraang gastusin ng pamahalaan.

Inihayag pa ni Enrile na base sa nakaraang pangyayari, kailangan pagtibayin ng Kongreso ang ilang mahahalagang panukalang batas upang maipakita sa mamamayan na nagsusumikap ang kanilang gobyerno.

Tinukoy ni Enrile ang huling pangyayari ng malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng Kabisayaan at Mindanao, ang talamak na nakawan ng pondo sa Philippine Charity Sweepstakes Offices, ang dayaan sa halalan noong 2004 at 2007 na kailangang tugunan sa pamamagitan ng panukalang batas.

Sinabi pa ni Enrile na tututukan din ng Kongreso sa pagbubukas ng ikawalang regular session ng 15th Congress ang panukalang tinalakay sa unang Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply