Regional police bumaho sa QC

DAIG pang may kudeta  sa labas ng Kampo Karingal noong nakalipas na Linggo ng umaga nang dumating ang mga pulis na galing sa iba’t ibang Region bilang suporta kinabukasan sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong  PNoy.

Bawat isa ay nakikiusap sa mga bahay sa labas ng Kampo Karingal na kung maaari ay makiligo at makigamit  sila ng comfort room dahil naka-lock daw ang mga CR sa loob ng Kampo Karingal kung saan naroon ang headquarter ng Quezon City Police District (QCPD).

Biruin mo namang mula Linggo ng umaga hanggang Lunes ng gabi ay hindi naliligo ang mga ito.

Kawawang mga pulis, dinala lang pala  rito sa Quezon City para mamaho .

Sa puntong ito ay nakipag ugnayan ang Lily’s  Files  kay  Ret. Col. Gilbert Dela Fuente, isa sa mga consultant ni QCPD Director Chief Supt. George Regis, na kung maari ay mag-request ang command  ng mga truck ng bombero para magdala ng tubig.

Agad namang tumugon at umaksiyon si Gen. Regis at inatasan ang Finance officer na si Supt. Arnel Olivarez na makipag-ugnayan sa Quezon City Fire Department para makapagpadala ng tubig sa Kampo Karingal.

Bakit hindi napaghan-daan ng QCPD ang ganitong problema gayong alam  nila na  walang  tubig  ang kampo at dito rin isasaksak ang mga pulis na galing ng Region 1, 2, 3, 4, at 5 na gagamitin sa SONA?
Hindi kaya naisip ng Camp. Commander na si Chief Insp.  Rolando Omagat na manggagaling ng probinsiya ang mga pulis na yan at kailangang maligo at gumamit ng comfort room?

Biruin mo namang mula Linggo ng umaga hanggang Lunes ng gabi na hindi sila maliligo.

Kawawang mga pulis  dinala lang pala rito sa Quezon City para mamaho at magdusa.

Maj. Omagat, kaya ka nga nandiyan sa puwesto mo para tingnan ang mga problema sa loob ng Kampo, hindi yung kampante ka lang na nakaupo sa iyong opisina.

Palibhasa kasi may tubig sa opisina mo.

Sir, palagay ko naman alam mo na  Linggo ang dating ng augmentation na manggagaling sa 5 Region.

Pero bakit hindi mo pinaghandaan ito?

Napakasimpleng problema lang nito para hindi mo kayang aksiyunan.

Aba eh kung sa napaka simpleng problemang ito na hindi mo kayang  aksiyunan, eh ano pa ang silbi ng pagiging camp commander mo?

Umalis ka na riyan, ibigay mo na sa taong may sariling disposisyon ang puwesto mo.

Sa susunod nating column ay iisa-isahin ko kung ano ang mayroon diyan sa loob ng Kampo Karingal na hindi maaksyunan ng  camp commander.

Gen. George Regis, Sir, ang daming magagaling na opisyal ng QCPD na naka tengga lang, bakit hindi mo rin sila subukan?

Malay mo, baka ang mga ito ang makatutulong ng malaki sa iyo riyan sa QCPD.

Ang Kampo Karingal ay pinutulan ng tubig dahil sa malaking pagkakautang nito at noong panahon ni QCPD Director Benjardi Mantele, ay nagbayad ng halagang P200.000 ang NCRPO.

Kaya muling kinabitan ng tubig ang   QCPD headquarter na nasa Kampo Karingal.
Kamakailan ay muli na namang pinutulan ng tubig ang QCPD Headquarter dahil umabot na naman sa halagang P800,000 ang utang nito .

Hanggang kailan kaya mamamaho ang mga pulis ng QCPD?

May pag-asa pa kayang makabitan ng tubig ang Kampo Karingal?

Tsk tsk tsk, kawawang QCPD!!!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply