Regional Underbound Grand Prix sa Bacolod

BACOLOD CITY, ILOILO — Sa kakatapos lamang ng Bacolod Grand Prix ng RUGP o Regional Underbone Grand Prix-Visayan series, nagsilbing entablado ang Old Airport para sa mga riders mula sa iba’t ibang koponan na nagpapasiklaban sa pangangarera ng 2-wheel.

Naka-triple-podium finish si Erik Gjengaar ng Team Cyrus ng mapanalunan niya ang unang pwesto sa mga kategoryang 100-125 Mix Superstock beginners, MTRT 4 at scooter 130 – 1st timers,  at 100-125 Mix Superstock novice habang double-podium naman ang rider ng Honda Motor World na si Keken Cabahug para sa 1st place ng mga kategoryang Novice Open 4-stroke at Novice 130.

Para sa kategorya ng Beginners 130 Open, kampante sa unang posisyon si Frances Gutierrez ng Team Du Ek Sam, gayun din si John Condes ng Zoo Racing para naman sa Scooter 2-stroke. Ang team-mates naman na sina Garry Cañeda at Gilbert Miro ay parehong nagdala ng parangal para sa kanilang koponan na Honda Motor World— Pioneer Mighty Gasket 4AT Scooter open para kay Cañeda at Pioneer Mighty Gasket 4AT Scooter 160  para kay Gilbert Miro.

Ang susunod na round para sa Visayan-series ng RUGP ay gaganapin sa susunod na Linggo, Agosto 7 sa Karting Zone, Cebu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply