Repormang agraryo sa Hacienda Luisita

WALANG malinaw na kinabukasan ang libo-libong obrero sa Hacienda Luisita kaugnay ng kalalabas na desisyon ng Korte Suprema ukol sa kontrobersiya rito.

Sinasabing naglalaro sa 6,000-11,000 ang bilang ng mga ito.

Pangunahing problemang agraryo ang kontrobersiya. Nais ng maraming obrero na mapasailalim sa programang agraryo ang mahigit 4,000 libong ektarya at maipamahagi sa kanila.

Ngunit sa desisyon ng Hukuman, kinakailangang dumaan ito sa reperendum na doon tatanungin ang lahat ng obrero kung lupa ba talaga ang gusto nila o sapi sa Hacienda Luisita bilang isang kompanya.

Malinaw na hindi nag-uutos ang Hukuman ng pag-angkin ng mga obrero sa lupain.

At dahil dito, hindi purong solusyong agraryo ang pinalabas ng hukuman.

oOo

Mayroon pa namang pagkakataon na umapela ang mga may gustong magkaroon ng lupa pero tila malabong magbaba ang Hukuman ng tahasang desisyon na paghahati-hatian ang lupa ng mga obrero makaraang makaltas halimbawa ang para sa mga pamilya nina PNoy,  Kristeta
at Mikey Cojuangco.

At dahil reperendum ang magaganap, naririyan  ang kampanyahan na pro-Aquino-Cojuangco at pro-land reform.

Sino ang mananaig?

Sa kasaysayan ng labanan sa ganitong paraan na pagresolba sa problemang agraryo mismo sa loob ng Hacienda Luisita, naririyan ang posibilidad na maulit ang massacre.

Iigting din ang pagkahati-hati ng mga obrero na pro at anti-Hacienda Luisita.

Malinaw na mananatiling malakas ang posisyon ng mga may-ari dahil may militar na sila, may pro pa sila mula sa hanay ng mga obrero.

Ang labang lupa para sa walang lupa, saan kaya hahantong?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply