Resbak sa suspensyon: Recom ginigipit si Erice

TAHIMIK na kinokondena ng mga kawani ang ginagawa umanong ‘di makatwiran at ‘di makataong panggigipit kay Vice Mayor Edgar ‘Egay’ Erice ng mga makapangyarihan sa Caloocan City Hall.

Kung ano-anong paninira na umano ang ibinabato sa katauhan ni Erice matapos magsampa ng iba’t ibang kaso sa Office of the Ombudsman laban kay Mayor Enrico Echiverri at ilang opisyal ng lungsod.

Ang pinakahuling panggigipit ay nangyari noong Martes nang barikadahan ang mga daanan patungo sa city hall, kasama na ang mga lagusan na hagdanan patungo sa Vice Mayor’s Office.

Dahil dito, hindi nakadalo si Erice sa sesyon na gaganapin sana sa araw na iyon, ayon sa mga kawani na tahimik na nagkokomento sa pangambang baka sila ang isunod na gipitin.

Dala ang mga placard, nag-rally pa umano ang ilang empleyado, karamihan sa kanila ay ‘job order employees’, na naatasang magsagawa ng ‘rally’ kahit ‘di tanggap ng  kanilang kagustuhan.

“Dahil kung ‘di kami sumunod sa kanilang kagustuhan na mag-rally, baka kami’y pag-initan at tanggalin kami sa trabaho dahil JO lang kami,” malungkot na giit ng ilan sa mga nag-rally kontra kay Erice.

Matatandaan na si Echiverri ay pinatawan ng six-month preventive suspension ng  Ombudsman noong Hulyo 18 dahil sa graft case na isinampa ni Erice na may kinalaman sa isyu ng GSIS employees’ contribution.

Sa kasong isinampa ng bise alkalde, inakusahan si Echiverri na ‘di nagre-remit ng employees contribution na umabot ng mahigit P300 milyon dahil sa naipon nitong penalties at sub-charges.

Dahil sa pagkakautang, sinuspinde ng GSIS ang lahat ng benepisyo na dapat makuha ng mga kawani tulad ng ‘loan privilege at iba pang benepisyo, ayon sa reklamo ni Erice sa Ombudsman.

Samantala, pinasalamatan ng mga kawani ng Caloocan si Erice sa kanyang tapang na ibulgar ang mga kalokohan sa city hall, lalo na sa isyu ng di pagreremit ng employees’ GSIS contribution.

“Dahil sa pagsasampa ni Erice ng kaso, napilitang kumilos ngayon si Echiverri para bayaran na ang pagkakautang ng Caloocan sa GSIS”, pahayag nila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply