Resealing ng mga taxi itinigil ng LTFRB

PANSAMANTALANG inihinto ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pagre-reseal sa metro ng mga taxi sa bansa, partikular sa Metro Manila simula ngayon, Lunes.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty Manuel Iway, board member ng LTFRB, na ito ay upang bigyang daan ang pag-aaral sa naisampang petisyon sa kanilang tanggapan ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) at Association of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM) na humihiling na huwag na silang dumaan sa resealing ngayong Hulyo dahil katatapos lamang nilang magpa-reseal ng mga units para sa P40 flag-down rate.

Magugunitang ang bagong flag-down rate ay naipatupad epektibo noon pang Enero 2011 at may kanya-kanyang buwan ng pag-reseal sa bawat ending ng plaka ng sasakyan mula ending 1 at 6 noong Enero, ending  2 at 7 nong Pebrero, ending 3 at 8 noong Marso at ending 4 at 9 nitong Abril at ending 5 at 0 nitong nagdaang Mayo.

Ikinatwiran ng PNTOA at ATOMM na hindi na dapat sila dumaan sa resealing ng metro dahil katatapos lamang nilang magpa-reseal at dagdag-gastos lamang ito.

Ang resealing ng mga metro ay ginagawa dalawang beses sa isang taon o tuwing ika-anim na buwan ng bawat taon.

Umaasa si Iway na sa susunod na linggo ay may desisyon na silang ipalalabas hinggil sa usaping ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply