Resolusyon ng UN vs child soldiers pinuri

IKINATUWA ni House Deputy Speaker Lorenzo “Erin” Tañada III ang resolusyong ipinalabas ng United Nation Security Council laban sa pagre-recruit ng mga batang sundalo o “child soldiers” at pang-aabuso sa mga bata tulad ng rape at pag-atake sa eskuwelahan.

Sinabi ni Tañada na sa Pilipinas, ang paggamit ng batang sundalo ay war crime sa ilalim ng Republic Act 9851, o “an Act against international humanitarian law, genocide, and other crimes against humanity.”

Sa ilalim ng naturang batas, ang paggamit sa mga bata sa mga armadong pakikibaka ay may kaparusahang pagkakakulong ng habambuhay at multang P1 million sa mga biktima na namatay dala ng krimen.

“The Philippine Congress welcomes the UN Security Council resolution against the recruitment of child soldiers… We will continue working together and do our best to make our country a place where children will have opportunities to grow, be educated, and have a bright future,” ani Tañada, principal author ng R.A. 9851, na isinabatas noong July 2009.

Sa United Nations report on child soldiers noong nakalipas na taon, may tatlong insurgent groups sa Pilipinas na gumagamit sa mga bata sa pakikipaglaban.

“This is clearly in violation of R.A. 9851. No matter the cause, there is no justification in using children in armed conflicts,” pahayag ni Tañada.

Nakapaloob din sa nasabing batas ang parusa para sa mga responsable sa “enforced or involuntary disappearances” ng sinumang indibidwal, tulad ng kaso ng dalawang nawawalang estudyante ng UP na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan at magsasaka mula sa Bulacan na si Manuel Merino, na nawala may limang taon na ang nakalilipas.

“Hopefully, the AFP may be part of the solution to the disappearance of the students and the farmer,” pahayag ni Tañada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply