Retiradong sundalo pinaslang sa Kyusi

ISANG retiradong miyembro ng Philippine Army ang binaril at napatay sa Commonwealth, Quezon City kaninang 6:00 ng umaga, ika-19 ng Hulyo.

Binaril ng dalawang beses si Abelardo Manangan, 52, ng Katarungan St., naturang barangay ng dalawang di nakilalang salarin na agad sumibat gamit ang Honda wave na motor matapos ang pamamaril.

Ayon sa asawa ng biktima na si Jennifer Manangan, bumibili lang umano siya sa isang bakery malapit sa pinangyarihan nang makarinig siya ng dalawang putok at laking gulat niya nang malaman na asawa niya pala ang nabaril.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply