Retired police colonel patay sa flashflood

ISANG retiradong police colonel ang namatay sa flashflood sa Misamis Occidental, kahapon.

Kinilala itong si retired Superintendent Timoteo Conol.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Benito Ramos, naganap ang aksidente sa Barangay Mialim, sa bayan ng Jimenez.

Tinangay ng malakas na agos si Conolo sa Pallilan River at natagpuan sa Barangay Sinara Bajo sa nabanggit na bayan.

Ang flashflood ay bunsod pa rin ng walang tigil na buhos ng ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply