Revised Penal Code palalakasin vs graft

MARAMING probisyon na nakapaloob sa Revised Penal Code na hindi na angkop sa kasalukuyang sitwasyon dahil pinagtibay ang batas noong pang 1930s kaya humihina ang mga kaso ng pamahalaan laban sa mga tiwaling empleyado.

Inihayag ito ni Sen. Francis “Chiz” Escudero matapos ang pagdinig ng Senate committee on justice and human rights  hinggil sa Revised Penal Code na nakita ng Senado na kailangan nang repasuhin upang lumakas ang kaso laban sa tiwali at sangkot sa anomalya.

“Marami kaming tinalakay ng mga panukalang batas, karamihan ay amendments ng Revised Penal Code dahil ang Revised Penal Code ay 1930s na batas,” ayon kay Escudero.

Partikular na tinukoy ni Escudero ang Malversation of Public Funds na may parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong na dapat nang rebisahin dahil nakatakda rito ang P22,000 bilang basehan ng pagsasampa ng kaso.

“Halimbawa sa malversation of public funds, reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo kapag naglustay ka nang hihigit sa P22,000. Noong 1930s, malaking pera na ang P22,000 pero ngayon hindi na siguro, so nais namin na  i-update at baguhin  yon,” giit ni Escudero.

Aamendahan din ang batas na tumutukoy sa kasong estafa, pagnanakaw, robbery at iba pang kaso na kailangang umangkop sa kasalukuyang sitwasyon.

Sinabi pa ni Escudero na nakatakdang amendahan din ang batas sa identity theft at pangangalaga ng impormasyon na ibinibigay ng indibiduwal sa credit card company, sa Internet na sinumang magnakaw o kumuha ng impormasyon ay mapapatawan ng mas mabigat na parusa.

Palalakasin din ang parusa sa sinumang nagnanakaw ng weather monitoring at risk disaster/risk reduction equipment upang mabigyan ng karampatang parusa dahil mahalaga ngayon ang ganitong instrument dulot ng climate change.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply