GMA kakaliskisan kaugnay ng P728-M fertilizer scandal

PINAIIMBESTIGAHAN na ng Office of the Ombudsman kung may kinalaman si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Fertilizer Fund Scam.

Kaugnay ito ng mga reklamong inihain ni dating Solicitor General Frank Chavez at Kilusan ng mga Magbubukid sa Pilipinas (KMP) laban sa dating Presidente.

Nabatid na nagpalabas ng kautusan si acting Ombudsman Orlando Casimiro na nagsasabing kailangang makapagsagawa ng fact-finding investigation laban kay Arroyo.

Kasabay nito, binaligtad na rin ng Ombudsman ang naunang rekomendasyon na ibasura ang kaso laban sa dating Pangulo dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Aniya, ang kalihim umano ay “alter-ego” ng Pangulo na siyang may ganap na kapangyarihan sa pangangasiwa ng pamahalaan.

“There is a need to conduct an investigation as to the complicity or liability of the former President with respect to the allocation, release and expenditures of the fertilizer funds,” ayon pa sa opisyal na press statement ng Tanodbayan.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagbaba na ng desisyon ang Office of the Ombudsman sa kasong plunder na inihain laban sa mga dating opisyal ng Department of Agriculture (DA)

Iniutos ni Casimiro ang pagsasampa ng kasong plunder sa kaukulang korte laban kina dating Agriculture Secretary Luis Ramon “Cito” P. Lorenzo, Undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante, Assistant Secretary Ibarra T. Poliquit at iba pang matataas na opisyal ng DA kaugnay ng P728-milyon Fertilizer Fund Scam.

Sinabi ng Tanodbayan na may sapat na batayan para makasuhan sina Lorenzo at Bolante, na nakipagsabwatan umano sa iba pang opisyal para maisakatuparan ang nasabing maanomalyang proyekto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply