Rhian pinasinungalingan ang pakikipagbalikan kay Dj Mo!

SINARADO na ni Rhian Ramos ang kahit na anong kaugnayan niya sa kanyang ex-BF na si Mo Twister. Dinelete na rin niya ito sa kanyang Twitter friends. Hindi raw niya sukat akalain na ganito pala ang ugali ng ex-BF niya. Kung alam lang niya na ganito ito ay hindi na siya pumayag na makipagrelasyon dito in the first place.

“Nasopresa talaga ako sa mga pinakawalan niyang tweets sa Twitter. Walang ibang purpose nyon kungdi ang hiyain ako sa public. I felt so humiliated. At na-feel ko na I was violated in some way kasi my reputation was on the line. Kaya nga kumuha na ako ng lawyer to seek my legal options about the matter.”pahayag ni Rhian.

Pero mukhang hindi na rin itutuloy ni Rhian ang pagsampa ng kaso laban kay Mo kasi inaayos na ito ng lawyer niya na si Atty. Capunan na kaibigan din ni Mo. Basta subsob na lang siya sa trabaho ngayon tulad sa bagong game show na Manny Many Prizes kung saan siya sa co-host ni Pacman.

***

BILYONARYO vs bilyonaryo! Yan ang magiging labanan nina Cong. Manny Pacquiao at Willie Revillame sa darating na July 16 kung saan magsisimula na ang bagong game show ni Manny na “Manny Many Prizes” sa GMA sa exact timeslot rin ng “Will Time Big Time” ni Willie every Saturday. And take note, inamin ni Pacman na co-prod siya ng GMA sa show kaya maglalabas rin siya ng sarili niyang pera sa show para lalo itong mapaganda at maging mas exciting.

Nagbigay na ng sample si Manny sa press people na dumalo sa prescon ng kanyang show sa ilang pakulo nila tulad ng sing-along with Pacman kung saan duduktungan ng contestant ang kinantang lyrics ng Pambansang Kamao at kung tama ang pagkakanta mo ng lyrics ay may instant appliances na prize ka kaagad. Nandiyan din ang Suntok o Ilag na mala-Pera O Bayong ang dating.

Nagpa-raffle ng P100,000 si Manny sa press at may isa pang nag-uwi ng bagong IPad2. Namigay rin ng electric fans at comforters.

Ayon kay Manny, gusto lang daw niyang magbigay ng kasiyahan at tulong sa mga tao at hindi siya nakikipag-kumpetensya kay Willie. Pero di ba ganun din ang layunin ni Willie, ang makatulong at makapagbigay kasiyahan sa mahihirap. So ang magiging labanan na lang dito ay palakihan ng pa-premyo.

E super palaban din ang may-ari ng TV5 na si Manny Pangilinan na isa ring bilyonaryo! Aba, walang pakialam na nagbigay ito ng P5 milyon jackpot sa show ni Joey de Leon. Kaya ang mangyayari rin dito ay Manny P vs Manny P! Dapat suportahan din nang husto ni Atty Gozon ng GMA (na isa ring bilyonaryo) ang MMP. Magandang labanan ito at ang makikinabang ay ang masang Pinoy!

***

SA trailer palang ay obvious na sure winner na sa takilya ang launching movie ni Melai Cantiveros na The Adventures of Pureza: Queen Of The Riles. Super laugh ang lahat ng nakakapanood nito lalo na ‘yung eksenang parang palaka si Melai.

Wala ring preno ang bibig niya sa prescon ng movie at binuking-buking ang ilang intimate details ng kanilang relasyon ni Jason Francisco tulad ng pagiging good kisser nito. Kesyo mas masarap daw humalik si Jason off-screen kaysa on-screen. At kung hindi raw ito good kisser ay hihiwalayan niya ang aktor.

Binuking naman ni Jason na natutulog minsan si Melai sa bahay niya kasi malayo ang bahay ng komedyante na sa Binangonanan pa. “Kasi minsan pagod na pagod na si Melai at may maaga pang call time kinabukasan kaya doon na siya natutulog sa bahay ko na malapit lang dito sa ABS,” paliwanag ni Jason.

Si Direk Soxy Topacio ang director ng Pureza kaya siguradong hit na ito sa takilya tulad ng “Ded Na Si Lolo” dati. Ang nakakaloka lang ay hindi pala kilala ni Direk Soxy sina Melai at Jason at kailangan pang bigyan siya ng video ng PBB ng Star Cinema para makilala niya ang kanyang mga bida sa pelikula.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply