Rhian Ramos hahabul-habol kay DJ Mo!

KAYA naman pala parang okey na ngayon si DJ Mo ay dahil tuluy-tuloy pa rin ang communication nila ng ex-girlfriend kunong si Rhian Ramos. Yes, matapos mangako itong si Rhian sa kanyang mother network na GMA-7 na magbi-behave na siya sa kanyang career, hayun ang babaitang ito at araw-araw na namang nakikipag-usap kay Mo Twister at ang the height, nakikipagkita na raw ito uli sa kanyang papang hindi naman kadakilaan.

Ano nga kaya ang nakita ng said young actress kay DJ Mo na wala sa kanyang mga naging ex? Well, ang sabi maliban daw sa super galante namang tunay, hanep pa raw ang performance nito in bed kung saan tumitirik daw talaga ang mata ng mga babaing kanyang mga nakaka-churvahan. Tama ba kami, Ms. Rhian?

Well, may bagong show pa naman ang youngstar every Saturday sa Kapuso kung saan kasama nito ang Boxing Champ na si Cong. Manny Pacquiao. Sana hindi ito maapektuhan nang kanyang mga kagagahan. Inlababu, gyud!

***

New female star may sex video with an old man

ZINOLALA??? My loving BFFT Pete A., entertainment ed dito sa mabentang-mabentang tabloid in town na Remate, ang new female star na ito na produkto ng isang reality talent search ng isang sikat na network na may kumakalat na nakakalowkang sex scandal ngayon sa Internet. Yes, as in nakakalukring daw ang mga eksenang ating makikita na pinaggagagawa ng hitad na ito kung saan hubo’t hubad na nakikipag-churvahan sa isang matandang lalaki na chaka pa ang face.

Siguro, DOM ito ni nasabing young female star at sinadya siyang kunan ng oldie partner. Tiyak, na kapag napanood ito ni tinutukoy nating youngstar ay mawiwindang siya at siguradong ikahihiya siya ng kanyang pamilya. So, very scandalous gyud!

***

Registration sa run for literacy ni Ms. Marissa del Mar sa July 9 dinumog

AYON sa personal secretary ni Ms. Marissa del Mar na si Ms. Lina, one week since maglabas sila ng press release para sa latest project ng kanyang maganda at mabait na Boss na Run For Literacy na supposedly ay naka-schedule na sana noong June 25 pero dahil sa bad weather ay kanila itong na-move ng July 9. Dinagsa na sila ng mga kababayan natin na gustong magpa-register at mag-participate para sa makabuluhang event na ito na gaganapin pa rin sa Plaza Rajah Sulayman, diyan sa may Roxas Boulevard, Manila.

Ang nakatutuwa, karamihan sa mga nagpa-rehistro ay pinili ang 10K run na ang ibig sabihin nito ay 10,000 ang kanilang ibibigay para sa Millicent Foundation Incorporated ni Kapatid na Marissa na matagal ng tumutulong sa mahihirap nating mga kababayan at nagpapa-aral nang libre sa pamamagitan ng kanilang scholars program. Sila ang main priority sa Fun Run na ito ng sikat na teevee personality.

Gusto kasi ni Ms. Marissa na marami pa silang mapag-aral ng libre.

Aside sa 10 K Fun Run ay may puwede pa kayong pagpilian at ito ay ang mas medyo mababang donation nyo na 5K and 3K. At para sa lahat ng mga nais pang humabol at gustong mag-join sa takbuhan na ito, maaari kayong tumawag sa mga tel nos… 889-1172/889-2130/986-9220 O CP Nos. 0916-2755283 and look for Ms. Lina Odo.

Nasa likod rin ng naturang event para magbigay suporta kay Ms. Marissa ang ilang sponsors tulad ng lungsod ng Maynila, A Fucoidan Brown Seaweed Capsule, A Fucoidan Slimming, Rejuvenation & Slimming Center, ICCT Colleges, Sa Miguel Corporation, McDonalds, WW Masco, Pocari Sweat, Manila Hotel, PS Bank, Veterans Bank, Home Guaranty Corporation at Malaya Business Investment corporation.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply