Ricky Hatton nagretiro

IPINAHAYAG ni dating world welterweight champion Ricky Hatton ang kanyang pagrererito, Biyernes ng umaga.

Matatandaan na nagtamo si Hatton ng brutal na second-round knockout loss kay pound-for-pound king Manny Pacquiao noong May 2009.

Si Hatton, 32, ay sumikat dahil sa kakaiba niyang estilo ng pakikipaglaban at katunayan sa galing niya ay itinanghal siyang bayani ng mga kababayan niya sa Manchester.

“After a lot of soul searching over the last couple of years I have finally decided to confirm I will never box again and there will be no coming back,” pahayag ni Hatton. “There have been so many times since the Manny Pacquiao fight when I have woken up and thought I would give it one more go, but it was not to be.”

Si Hatton, nakilala bilang “The Hitman” ay may kartadang 45-2 with 32 KOs at ang kanyang karera ay nagsimula noong 1997.

Matapos matalo kay Pacman, ilang beses siyang nasangkot sa iskandalo dahil sa depresyon kung saan umamin pa siyang adik sa alak at nabunyag pa ang kanyang paggamit ng cocaine nang makuhanan ng video.

Para kay Hatton, sapat na ang kanyang narating para magsabit ng gloves kaya wala na hihilingin pa. Balitang itutuon na lamang ni Hatton ang atensiyon niya sa boxing promotions.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply