Robber-rapist ng mga dentista nasakote

PINANINIWALAAN ng mga pulis na natisod na ang sindikato na nagnanakaw at humahalay sa mga biktimang dentista sa National Capital Region sa pagkakahuli ng isang lalaki at pagkakarekober ng sasakyan ng isang dentista na kanyang biniktima dahil na rin sa tulong ng mga saksi.

Inaresto si Richard Gamboa, matapos makilala ang sasakyan ng dentista na nasa kanyang kustodiya.

Sinabi ni PSupt. Leandro Luna na may nakakilala sa sasakyan ng dentista na isang SUV na kulay puti kahit napalitan na ng plaka kaya agad na inalerto ang mga pulis kaya nasakote ang suspek.

Narekober sa loob ng sasakyan ang 9mm na baril, isang M16 rifle, mga uniporme ng pulis at sari-saring plaka ng sasakyan.

Itinanggi naman ng suspek na may kinalaman siya sa sindikatong bumibiktima ng mga dentista.

Positibo namang kinilala ng dentista na ayaw magpabanggit ng pangalan ang suspek na umano ay nagpanggap na kustomer at matapos magdeklara ng holdap ay nilagyan siya ng plastik bag sa ulo saka ginahasa.

Nilakasan pa umano ng suspek ang volume ng telebisyon sa klinika upang di mapansin ang komosyon na nangyayari sa loob.

Matapos ay nilimas ng suspek ang mahahalagang gamit sa klinika at makaraan ay umalis tangay ang SUV ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply