Ronnie Liang guwapo’t may talent pero flat ang dating

Not ruining Ronnie

SI ROONIE Liang ang common link sa mga taong nagmamahal sa kanya. Like Tita Ems na close friend of Ronnie and sometimes act as his coordinator who mingles with fans to make the best for Ronnie. According to her, Ronnie is busy nowadays sa mga shows out of town especially in Quezon Province. Kakatapos lang nya sa Embarcadero de Legazpi and it was a big success. He will serenade the candidates of 2011 Miss Buenavista beauty pageant to be held at JP Satorre Gymnasium on July 23 in Buenavista, Agusan del Norte.

Sayang naman kasi guwapo, tall at may charisma naman ang talented singer. Kung sa iba lang naman na over hyped at heavily publicized ang bawat galaw, mas deserving naman si Ronnie to make it big. Pero alam nyo naman ang showbiz clique, pag napagkaisahan ka ay para ka nang binubura sa eksena, whether you like it or not.

***

Bakit kaya batung-bato umarte si Ariel Rivera sa “Mula sa Puso” at walang buhay? He used to be good ah.

Sa “Reputasyon,” hind maiwasang mapansin ang nagtatabaang artista maski na super galing sila. Si Jacklyn Jose na buti na lang bumagay sa papel na mahirap na ina ni Cristine Reyes. Si Laurice Guillen na isa pang heavy at mukhang pinaglalaruan ng stylist kasi pinagmukha siyang impersonator with her terrible hairdo, idagdag pa ang kanyang mga outfits na mukha namang hindi pangmayaman.

At si Aiko Melendez who used to be one of the loveliest faces ay nakahihinayang naman sa laki niya sa TV screen. Kung ang kasabay niyang si Ruffa Gutierrez ay super sexy pa rin, si Aiko naman ay plus size na, lol.

Romantic Raymond

Raymond Lauchengco is back performing solo in the USA. Of course, tuwang-tuwa ang mga diehard kasi masosolo nila si Raymond who has lots of hit songs to make the fans very happy. Hindi gaya ng iba na puro covers lang ang kayang gawin. To make it even better, he has Joey Albert as guest in “Classic Romance” on September 2 in Texas. Kaya pinaghahandaang mabuti para maging sulit para sa lahat at maulit-ulit pa sa lahat ng parte ng America.

RL is very lucky to have talented people who have worked with him in this business. Victor Oria’s last gig as MD was for Raymond and he considers it as one of the most fulfilling events in his life. “I just saw Michael Feinstein in concert with a 20 piece big band.

It just reminded me of Raymond’s wit and talent. God’s gift talaga,” sabi nga niya. Sagot naman ng asawa ni Raymond na si Mia Rocha-Lauchengco, “That means so much, coming from you, Vic. That certainly was a fantastic series! And, as you know, doing the Full Circle album is definitely the most fulfilling album/project we’ve ever done. We thank the Lord for your genius.”

Male and aspiring

Newcomer Arjay Faustino is waiting for better projects to make him very busy. Why does he want to become a star? “Well when I was a little boy pa lang, gusto ko na masaya po ako sa ginagawa ko at nag-eenjoy po ako. I think likas sa akin ito but I want to enhance my skill. I want to grow more in terms of acting,” sagot niya. Has he got any dream role? “Any role basta po fit and suit sa akin lalo na sa image ko po,” pagtatapos niya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply