Royette Padilla inireklamo ng pananakit ng misis

NAKAKULONG na at isinasailalim sa imbestigasyon ang action star na si Royette Padilla.

Ito ay makaraang ireklamo ng kanyang misis ng pananakit habang nasa isang resto bar sa may Clark Air Base sa Pampanga pasado alas 2:00, Lunes ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa pamunuan ng naturang bar na humihingi ng police assistance na agad naman nilang nirespondehan kung saan naaktuhan ang pag-aaway ng mag-asawa.

Nabatid na may nabasag pa sa naturang resto bar dahil sa pag-aaway ng dalawa.

Si Royette ay nakatatandaang kapatid ng “Bad Boy ng Philippine Showbiz” na si Robin Padilla.

Naging kontrobersyal din ang aktor matapos akusahan ng panggagahasa noon sa isang menor de edad sa Angeles, Pampanga taong 2009 at minsan ding ipinasok sa rehabilitation center.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply