Rufa Mae Quinto di papasa kay Richard Guttierez

SINCE magkahiwalay sila ng kanyang si Mr. M ay tila naiba na ang taste ni Rufa Mae Quinto sa lalaki. Ang type raw ngayon ni Ruffa Mae ay ang hearthrob ng GMA-7 at mayamang si Richard Guttierez.

Ang big question ngayon ay kung papatusin ba ni Chard ang nasabing sikat na sexy comedienne na marami ng recording sa mga kalalakihan? Saka, di ba Si Sam Pinto raw ang bagong “apple of the eye” ni Richard? And between the two girls, mukhang mas seseryosohin ng guwapong actor (Richard) itong si Sam na hindi lang bata at sariwa kundi No. 1 Sexiest Women in the Philippines pa. Saka, si Richard pa nga ang mismong nagre-request na para may inspirasyon siya at kausap dapat kahit na hindi kasama sa taping in that particular day si Sam ay makita niya ito so, pinapupunta niya ang magandang actress na alaga ni Ms. Claire dela Fuente sa set kahit na midnight na.

At saka nang tanungin namin si Sam sa recent interview namin sa kanya ni BFFT at entertainment editor namin dito sa Remate na si Pete A., kung crush din ba nito si Richard, buong ningning kaming sinagot ni Sam na before pa may paghanga na siya sa actor na kasama nga niya at bida sa “Captain Barbel.”

Well, let’s wait and see na lang daw lalo pa’t gumagawa na ata ng move si Chard para pormahan siya.

Well, good luck gyud!

****

Mag-ingat sa mga manloloko at nagpapanggap na registration team ng Juan For All ng Bulaga

SA HIRAP ng buhay ngayon ay marami sa ating mga kababayan ang gumagawa ng kalokohan sa pamamagitan nang panloloko sa kanilang kapuwa. At dahil marami ng sumbong na nakararating sa Tape Productions, producer ng Eat Bulaga, na may mga nagpapanggap na Registration Team na nagpupunta sa iba’t ibang barangay na humihingi ng bayad sa mga residenteng nagpapatala sa kanila para makasali sa Juan for All, All for Juan sugod-bahay sa Barangay, at para masugpo na ang mga ganitong katiwalaan, araw-araw ay may babala ang ating Dabarkads na si Bossing Vic Sotto na mag-ingat sa mga nagpapanggap o mga pekeng Registration Team. Ang totoong Registration Team nila sa Bulaga ay hindi nanghihingi ng anumang kabayaran sa mga nagpapalista sa kanila para makasali sa bunutan ng pangalan sa Juan for All.

Ganoon na rin sa PNV o Pambato ng Videoke. O, hayan, malinaw na for free ang resistration ha? Wala itong bayad kahit sentimo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply