Saan hahantong ang laban sa korapsyon?

MAINIT, nakapapaso ang labanan sa pamahalaan sa kasalukuyan.

Pero kung mapapansin ninyo, mga Bro, pangunahing pulitika ang labanan.

Pilayan at buwagan ng kapangyarihan ang nagaganap.

ANTI-GLORIA

Uso ang anti-Gloria, umaalingawngaw ang mga sigaw ng mga gustong bumawi laban sa pang-aabuso umano sa kapangyarihan nina Aling Gloria at mga kampon niya.

Ikulong sila, ikulong sila!!!

Ito ang hangganan nina Gloria na makita ng kanilang mga kalaban.

Tutal nagpakulong naman umano sina Gloria noon, kailangan nilang makaranas din ng bilangguan ngayon.

Para patas lang ang lahat, katwiran nila.

BALIMBING

Paano ang mga nagpasasa noong panahon nina Gloria na bumalimbing?

Diyan walang matuwid na sagot ang mga sulsol kay PNoy na maging masungit sa mga kalaban niya sa pulitika.

Sapagkat ang mga mayorya ngayon ay sila ang mayorya noong panahon ni Gloria.

Yun bang === mga mambabatas.

Kung kinakitaan ng matinding korapsyon noon sina Gloria, paano naman ang korapsiyon noon din ng mayorya na pro-Gloria at mayorya ngayon na pro-PNoy?

Libre na ba sila sa tabak ng katarungan?

Sa mga pork barrel nagkamantika sa nguso ang mga mayorya na yan noon at lalong nagkakamantika sa nguso ngayon ang mga ito dahil sa dagdag-pork barrel na ibinibigay sa kanila ngayon.

Excused na ba ang mga ito ngayon dahil naglundagan sila sa barko ni PNoy nang lumulubog na ang barko ni Gloria?

Anak ng pitong putakte, paano ang laban sa korapsyon diyan, mga Bro?

PAGHAHALO NG BALAT SA TINALUPAN

Kung hindi maingat si PNoy sa paghahalo ng balat sa tinalupan dahil sa laban sa korapsyon, baka kung saan na lang mauuwi yan!

Nitong huling mga buwan sa isang taon ni PNoy sa poder, may obispo na nagsabing “makabubuti kay PNoy ang magbitiw na lang sa puwesto.”

Nitong nagdaang araw, may isang mataas na opisyal ng sundalo na nagpapa-resign din kay PNoy.

Sino-sino ang mga susunod na mambabato kay PNoy? Ewan natin.

Basta huwag lang matuklaw at mamalapa ng mga ahas at tigre ang mamamayan.

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply