Sagot sa Saudization: Maid- 2k, nars- 4k

TINATAYANG 200,000 kasambahay, janitor, family driver, saleslady at iba pa ang matatamaan ng patakarang Saudization  ng Saudi Arabia.

Sa Saudization, magtatrabaho na ang mga Arabo sa nasabing bansa at papalitan nila ang mga dayuhan, kasama na ang mga overseas Filipino worker.

Kasama sa mga bumubuo ng mga OFW ang mga nabanggit natin sa itaas. Madadamay rin ang mga nars at iba pang propesyonal kaya malamang na hihigit pa sa 200,000 OFW ang sapilitang uuwi enitaym.

oOo

Sabi ng mga onorabol, may nakahanda nang programa para saluhin ang mga biktima ng Saudization.

Siyempre pa, isa na riyan ang paghahanap ng ibang bansa na mapapasukan ng mga ito.

Eh paano ang mga walang mapasukan?

oOo

Iniimadyin natin, Suki, ang mga saleslady.

Maaaring mag-aplay sila sa mga malalaking mall pero makaraan ng 5-6 buwan, sibak na sila at bawal na silang bumalik pa, kasama ang miyembro ng kanilang mga pamilya, dahil sa kontraktuwalisasyon.

Kung mag-saleslady sila sa mga puwesto sa mga pablik market, P100 isang araw ang sahod at sa kanila ang lahat: almusal, tanghalian, meryenda sa umaga’t hapon at siyempre pa, pamasahe sa traysikel at dyipni.

Para sa mga maid, houseboy at janitor, karaniwang P1,500-P2,000 ang sahod kada buwan sa mga maliliit na amo.

Sa agency naman, may P3,000-P5,000 pero bagsak din sa kontraktuwal.

Ang nars sa mga barangay health center at munisipyo – may P4,000 kada buwan.

oOo

Tanong sa mga onorabol: Ito ba ang itutugon ninyo na pansalo sa mga biktima ng Saudization?

Paano ang nagkalat na karatulang “No Vacancy?”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply