Sahod sa sekyu at bayad sa tubig at kuryente, sinisingil

KUNG sa Tayabo Elementary School sa Nueva Ecija ay pinababayaran ng pamunuan nito sa mga mag-aaral ang pagpapapintura at pagpapagawa ng comfort room, maging sa San Jose West Central School sa lalawigan ding ‘yan ay pinagbabayad din ang mga mag-aaral ng halagang P290.

Ang masakit nito, ang bawat estudyante ay compulsory na magbabayad ng naka-fix price na 290, walang tawad-tawad.

Ang kagandahan naman  dito ay binibigyan naman  sila ng resibo ng iskul pero ito daw ay resi-resibuhan lang.

Sa resibo ay may nakasulat na ganito: “Dahil sa ating paaralan ay nangangailangan ng pambayad sa guwardyang nagtatawid at  tumitingin sa kaligtasan ng ating mga anak, pati tubig at kuryente na pangunahing pangangailangan ay taos-puso at boluntaryo akong magbibigay ng donasyon.”

DepEd Sec. Armin Luistro, basahin ninyo ang nilalaman ng reklamo.

Sir Johnny, nabasa ko ‘yung about sa school ng Tayabo San Jose City. Dito rin sa San Jose West Central School pina-enrol ko ang anak ko na 5 yrs old sa kinder. Bawat isang bata may babayaran daw na P290. Fix na P290. Binigyan naman kami ng  resi-resibuhan na ang nakasulat ay ganito: “Dahil sa ating paaralan ay nangangailangan ng pambayad sa guwardyang nagtatawid at tumitingin sa kaligtasan ng ating mga anak, pati na tubig at kuryente, na pangunahing pangangailangan ay taos-puso at boluntaryo akong magbibigay ng donasyon. Tanong ko: kung boluntaryo ito bakit sila nagsabi na ang halaga na babayaran namin ay naka-fix sa  P290. Fix na P290 sa bawat magulang. Di lang ‘yun, magbabayad daw ang bawat magulang. Buwan-buwan ay magbibigay rin sila ng P40 para sa tagalinis ng mga kinder room. Tama po ba ito? Itago na lamang ninyo ang pangalan at number ko para sa kaligtasan ko.

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 0918927-4764, 09266719269 o email sa: juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply