Saksi vs GMA sa Hello Garci lalantad na

IBINUNYAG ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na may isang potensiyal na saksi sa “Hello, Garci” scandal ang gusto nang lumantad upang maidetalye ang malawakang dayaan at manipulasyon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo noong 2004 presidential elections.

Ayon kay Cayetano, may saksi na gusto nang lumantad laban kay Rep. Arroyo ngunit dapat umanong mabigyan ng sapat na proteksiyon at insentibo upang makalantad at hindi masayang ang katapangan na harapin ang dating administrasyon.

Iginiit din ng senador na dapat maghain ng matitibay na kaso laban sa dating Pangulo at kaalyado nito hinggil sa lahat ng anomalyang kinasasangkutan nito sa panahon ng kanilang panunungkulan.

“This person, who will be serving as a witness, will be doing so since he is now being implicated. So unless cases are filed against the right people and unless the case is a strong one, we will have less whistleblowers and less witnesses,” aniya.

Hindi naman pinangalanan ni Cayetano ang saksi ngunit nangakong ilalantad ang pagkakakilanlan nito sa tamang panahon at lugar.

Nanawagan din si Cayetano sa sinuman sa labas ng Office of the Ombudsman na makibahagi sa imbestigasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng ebidensiya sa Ombudsman.

“The secretaries, as the president’s alter egos, have to take it upon themselves. Form independent investigatory bodies, whether it be in the form of commissions, committees or a single person. We can have department Ombudsmen that can also do this,” giit niya.

Sinabi pa ni Cayetano na mahalaga ang imbestigasyon sa Hello, Garci scandal sa harap ng mga panibagong nauungkat na maaanomalyang kasunduan na pinasok ng administrasyong Arroyo.

“Whether we like it or not, the Hello Garci scandal will once again be front and center. Included in Hello Garci are the misuse of funds from the OWWA, the PCSO, PhilHealth and other government agencies to prop up the former President’s bid for reelection and the cover-up that occurred,” aniya.

Tinukoy din ni Cayetano na kung hindi magagamit ang kontrobersiyal na Garci tapes na isinumite sa impeachment hearing bilang ebidensiya, magsisilbi naman itong lead sa pagsasagawa ng malayang imbestigasyon sa eskandalo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply