Salvage victim natagpuan sa Angono

ISANG bangkay ng hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa kahabaan ng Don Mariano Marcos avenue sa bayan ng Angono, Rizal.

Ang biktima ay tinatayang 25 hanggang 35 taong gulang na lalaki, nakasuot ng maong short pants at naka-tshirt na may tatak ng “old navy”. May tama ito ng bala sa ulo at mukha. At may maraming tattoo rin ito sa katawan at isa rito ang salitang Sputnik.

Ayon sa isang pulis na nakakita sa biktima, binabaybay niya umano ang kahabaan ng Don Mariano Marcos gamit ang kanyang motorsiklo nang may mapansin siyang isang nakahandusay na lalaki sa gilid ng daan. Nilapitan niya umano ito at nakita ang walang buhay na katawan ng biktima.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya ng Angono hinggil sa pagkakilanlan ng biktima at kung sino ang may kagagawan sa pagpaslang dito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply