Salvage victim natagpuan sa Bacoor, Cavite

ISANG biktima ng salvage ang natagpuan, sa Bacoor, Cavite, Martes ng umaga.

Itinapon ang bangkay ng lalaki sa madamong bahagi ng Molino Boulevard, sa Barangay Niog III sa naturang bayan.

Nakabalot ang ulo nito ng packaging tape at kapwa nakagapos ang mga kamay at paa.

Tinayatayang nasa 30-anyos ang edad ng biktima na nakasuot ng puting t-shirt at dilaw na short pants.

Natagpuan din ang karatula na may nakasulat na mga katagang “Magnanakaw ako, holdaper… huwag ninyo akong tularan. Utol kayo na ang susunod.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply