Sam Pinto in-demand sa rami ng project

LAGARE sa dalawang malalaking pelikula ang No.1 Sexiest Woman in the Philippines na si Sam Pinto. Malapit nang matapos ang shooting nito sa Tween Acamedy: Class of 2012 kung saan teacher ang role niya na crush ng mga bagets.

Then umpisa na ring mag-shoot ni Sam ng movie nila nina Cesar Montano at Aljur Abrenica entitled Hitman under Viva Films. Aside from that, regular nating napapanood ang magandang actress na alaga ni Ms. Claire dela Fuente sa “Bubble Gang” at “Party Pilipinas” sa GMA 7. May mga naka-line-up ding mga bagong endorsement na gagawin si Sam at siya rin ang napili ni Willie Revillame na maging partner sa bagong music video ng comedian/TV host para sa album nito sa Viva Records.

Tapos, plano rin pa lang kumuha ng voice lesson ni Sam para mahasa ang kanyang boses na kanyang magagamit sa mga karaketan lalo na sa out of town show kung saan madalas na rin siyang maimbitahan. Oo nga naman, more career kapag marunong kang kumanta dahil mataas ang talent fee mo rito.

By the way, kahit pagod at hindi kumpleto madalas ang tulog ay very happy si Sam sa nangyayari ngayon sa kanyang career na blooming talaga. Ganda, gyud!

***

Matagal nang buking na baklita!: Kapuso young actor, super kending sa dance rehearsal ng kanilang danserye

KAALIW naman ang chikang ipinarating sa amin through text tungkol sa Kapuso young actor na ka-join ngayon sa isang danserye ng said network. Tuwing may dance rehearsal raw ang buong cast parating bida at agaw pansin si actor dahil talbog pa raw nito ang bidang young actress sa serye kung kumendeng. Ang lambut-lambot daw ng katawan nito na feeling ballet dancer. Ginagawa ito ni batang aktor kapag off cam pero kapag on take na ay kilos macho na ang bruho. Siyempre ayaw pa-obvious at baka maombang ng kanyang daddy na very close sa personalidad na sikat na sikat

Sa buong mundo. Pero, talagang wala nang magagawa pa ang ama nito para baguhin pa ang kanyang daughter este son dahil kung makapag-make-up ito super kapal ang foundation at nakatatawa pa, nagpu-put pa raw ito ng eye liner sa ilalim ng kanyang beautiful eyes.

At say nyo, suplada ang ateh natin dahil may balak pa raw itong maghasa ng sayaw sa dance school sa Amerika. Ayaw pakabog gyud! Well, good luck to you iha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply