San Sebastian, Letran nakisalo sa LPU

NAKISALO sa top spot ang San Sebastian College Stags at Colegio de San Juan de Letran Knights matapos paluhurin ang mga katunggali sa magkahiwalay na laban sa nagaganap na 87th season ng NCAA seniors Basketball sa The Arena San Juan kaninang hapon.

Tangan ng Stags at Knights ang 2-0 slate kung saan ay kasalo nila ang Lyceum of the Philippines Pirates na nauna ng komopo ng unahan sa team standing.

Unang kumamada ng panalo ang SSC ng talunin nila ang College of Saint Benilde Blazers, 86-78 sa kanilang 2 P.M encounter at pagkatapos ay sumunod ang Letran ng durugin nila ang host school University of Perpetual Help System Dalta Altas, 74-43.

Umabot sa 16 puntos ang lamang ng Stags subalit may mga oras na nakakabalik ang Blazers at naibababa pa ng huli sa tatlong puntos.

“Medyo nag e experiment ako sa combination hindi lang sa first five ko, I also want to give confidence to my other players.” saad ni Stags coach Topex Robinson.

Nagsalpak ng 16 puntos, pitong rebounds at isang assist si Stag center Ian Sangalang upang tulungan ang San Sebastian sa pagtarak ng dalawang sunod na panalo.

Nadomina ng Stags ang lahat ng quarters matapos mag-ambag sa opensa sina star player Calvin Abueba na may 15 points at Krushev Ferrer at Ronald Pascual na nagbuslo ng tig 10 puntos.

“Malaking tulong sa akin ‘yung paglalaro ko sa D-League.” sabi ni Abueba.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply