‘Sana makonsiyensya ang mga nandaya sa dad ko’– Lovi Poe

LABIS na ikinatuwa ni Lovi Poe na nagwakas na ang Captain Barbell.

“Mas may time na kasi akong matulog ngayon. Kasi nagkasabay-sabay ang work ko with the movies I’m doing tapos ito pang tapings namin so halos wala akong rest. But I’m not complaining, huh? Dahil nga sa dami ng work ko, I was able to start building my dream house and, hopefully, matapos ito early next year.”

Nag-react din si Lovi sa isyung dinaya ni Madam Gloria ang daddy niyang si FPJ.

“I’m happy the truth is coming out dahil I really believe na siya ang nanalo. Sana naman makonsensiya yung mga nandaya sa kanya.

My dad really had sincere and honest plans to change our country for the better.”

E yung ban ng sexy Belo billboard niya sa Edsa?

“Nakaka-sad kasi pinaghirapan ko ang pictorials noon. Sayang. Honestly, I won’t do it kung malaswa. But I respect their decision. You can still see pa naman the billboards sa loob ng malls.”

She’s currently being linked to Jake Cuenca but she insists they’re just friends. “Magkatrabaho lang kami sa ‘My Neighbor’s Wife’ ng Regal, that’s all. We do have sexy love scenes, pero trabaho lang lahat. Wala akong lovelife.”

How come she’s blooming? “Mas nagbu-bloom talaga ako ’pag walang lovelife, kasi mas may peace of mind ako,” humalakhak pa siya.

***

HETO na naman si Erik Santos, pilit na nili-link sa isang babae. Di ba, di naman successful yung supposed love affair nila ni Rufa Mae Quinto. Tapos heto nga, kumakalat ang tsismaks na pinopormahan niya si Angeline, yung sinasabing next superstar daw pero ang daming kumokontra, kasi nga raw, nag-iisa lang si Nora Aunor sa kanyang trono at kahit na sobrang galing pa ng Angeline na ito, di pa siya aabot sa stature ni Nora Aunor.

Anyway, tinatawanan lang ni Erik ang pagli-link sa kanila ng bagong singer na natuklasan sa Star Power ng ABS-CBN.

“No, biru-biro lang ‘yun,” pag-deny niya. “Lalo na when we guested sa show ni Ate Kris Aquino, tinutukso’t mina-match kaming dalawa. But pareho kami ni Angeline na career ang focus. But we’re friends. In September, we’ll go together to Europe to do a six-city tour for TFC.”

So there, wala talaga, as in zero, kaya please, ‘wag ipilit ang love affair that never was.

Kararating lang ni Erik mula sa tour sa ibang bansa with John Lloyd Cruz and KC Concepcion. Pagkabalik niya, wala na siyang tigil sa rehearsal ng kanyang Music Museum concert, “Power Ikons,” sa August 12 and 13.

“This is my homage to both local and foreign music icons. I’ll be singing a lot of songs so most of the numbers are medleys as arranged by my musical director, Homer Flores. Happy naman ako dahil halos sold out na ‘yung Saturday show namin. My guests are Pops Fernandez, G Force Dancers, Miss Saigon Germany’s theatre star Stephanie Reese and si Angeline.”

Bakit di raw ito sa Araneta ginawa?

“Maraming producers are scared sa big venues as people now prefer watching foreign acts. Kaya ako mismo ang producer ng concert ko for my own company, Core Events, with the help of Record Breaker and La Carmela de Boracay.”

Megged by celebrity director GB Sampedro for the benefit of Bosom Buddies Cancer Foundation, get your tickets for “Power Icons” at 891-9999 or Backroom at 435-1108.

***

Echong, Erich bawal umibig sa isa’t isa! (pero di ba, nagkatikiman na raw sila?)

DAMING hits na bilang love team sina Erich Gonzales at Enchong Dee. Magkasama sila sa “Katorse,” “Tanging Yaman” and “Magkaribal.”

Heto na naman, silang dalawa sa Maria La del Barrio, sa direksyon nina Rory Quintos and Richard Somes.

Sa totoong buhay naging sila na ba? Di ba natsismis noon na nagtitikiman sila?

“Trabaho lang muna kami talaga,” sabi ni Enchong. “Mahirap ‘pag nahaluan ng love. Maaapektuhan ang working relationship namin.”

“We promised na hindi kami talaga mai-in love sa isa’t isa,” dagdag naman ni Erich. But what if they do fall in love while taping Maria La del Barrio?

“Why not? Lovable naman si Enchong.”

“Di kami nagsasalita ng tapos kasi you don’t know what will happen tomorrow,” sabi pa ni Enchong.

How different is their version from that of  Thalia’s?

“We’ve seen the original at medyo naiba na ‘yung kuwento kasi mas pinaganda, pero nandu’n pa rin yung koronang laging suot ni Maria dahil bigay ‘yun ng nanay niya and she believes suwerte ‘yun sa kanya,” paliwanang ni Erich.

“This is a Filipinized version,” sabi Direk Rory. “Yung supporting characters sa original, binigyan namin dito ng sarili nilang stories and we had to ask the permission of the Mexican mother company to do that kaya natagalan ang taping. We started this in March pa. But in the process, mas nabusisi namin kaya mas maganda talaga ang Filipinized version na ito.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply