Sandamukal ang problema ng Pinas

SA unang taon ng kanyang administrasyon, sentro ng ‘speech’ ni Pangulong Noynoy Aquino III ang isyu ng corruption.

Kitang-kita sa mukha ng Pangulong Aquino ang galit sa iba pang nadiskubreng mga anomalya ng nakaraang gobyerno.

Akalain mo, ang Philippine Charity Sweepstakes Office na isang charitable institution ay ‘na-magic’ ang bilyong pondo.

Ang bilyong pera ng National Food Authority ay pinagsasakmal din ng mga bu-waya noong panahon ni Gloria Arroyo.

Ang PCSO at NFA ay dalawa lamang sa maraming opisina ng gobyerno na pinaglaruan ang pondo ng nakaraang administrasyon.

Sa susunod na mga araw o buwan, tiyak, marami pang madidiskubreng anomalya si PNoy sa mga ahensya ng pamahalaan.

Sa sandamukal na problemang iniwan ni Gloria, si PNoy ang humaharap at pumapasan ng hirap ngayon.

Matindi ang hamon sa mga problemang ipinamana ni Arroyo na sa tingin naman natin ay tinutugunan ni P-Noy.

Klaro kay PNoy ang pagnanais na tugunan ang trabaho at  responsibilidad na iniatang sa kanya ng sambayanan.

Marami tayong nakikitang positibong indikasyon katulad ng magandang credit ratings ngayon ng bansa.

Nagkakaroon na tayo ng mahahalagang panukala at batas na mareporma ang ekonomiya at pulitika, paglaki ng halaga ng pamumuhunan mula sa lokal na negosyante at paglikha ng trabaho.

Patunay ang mga ito na patuloy ang positibong pananaw ng mga Pinoy sa kakayahan ni PNoy na isulong ang mga reporma.

Paniwala natin, hindi magtatagumpay ang negatibong pananaw ng mga kritiko dahil mahusay ang nakalatag na pundasyon ng Pangulo para isulong ang kinabukasan ng bansa.

Di tayo dapat magpaloko sa ingay ng iilang minorya  na nagnanais makabalik sa kapangyarihan at tumutol sa reporma.

Naniniwala akong ‘di dapat magkaroon ng pagkakabati-bati nang walang kaukulang hustisyang mangyayari para panagutin ang mga taong dahilan ng paghihirap ng bansa natin ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply