Sanggol iniwan sa pampang ng ilog

ISANG sanggol na babae ang natagpuan sa pampang ng Tigum River sa Zone 1, Barangay Rizal Ilawod, Cabatuan, Iloilo.

Ayon kay PO3 Reyna Repatua, imbestigador ng Women and Children’s Desk ng Cabatuan Municipal Police Station, ang nabanggit na sanggol ay natagpuan ng isang nagngangalang Jorge Segovia.

Ang sanggol na babae ay ibinalot sa basahan at banig bago isinilid sa kulay dilaw na sako. Dali-dali itong dinala ng mga residente sa pinakamalapit na pagamutan, ngunit idineklara itong wala nang buhay nang makarating doon.

Sa pagsusuri ng mga doktor, buo na ang pagkatao ng sanggol at posibleng nabuhay sana kung naagapang madala sa pagamutan.

Hinihinalang kapapanganak pa lamang ng biktima dahil nakakabit pa ang pusod at bahay-bata nito.  Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply