Sanggol isinilang na may dalawang ulo

TUMAGAL lamang ng ilang minuto matapos na isinilang ang isang sanggol na mayroong dalawang ulo sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Batay sa rekord ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC) sa pamamagitan ni Dr. Quennie Pacana,isinilang ni Elizabeth Palacio, 20-anyos, residente sa bayan ng Villanueva, Misamis Oriental ang isang batang lalaki bandang 12:00 ng hatinggabi na tumitimbang sa tatlong kilo subalit makalipas lamang ang 10 hanggang 15 minuto ay binawian na rin ito ng buhay.

Hindi naman mabatid sa rekord kung ano ang paliwanag ng mga doktor sa kakaibang supling ni Palacio.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply