Santiago nag-sorry kay Susan Roces

MAKARAANG lumantad sa Department of Justice (DOJ) si Senior Supt. Rafael Santiago at apat pang ibang pulis para ibigay ang mga ebidensya na magpapatunay ng dayaan umano noong 2004 presidential elections ay humingi naman ng paumanhin ang una sa aktres na si Susan Roces.

Sa pagharap ni Santiago sa media, iginiit nito na wala siyang alam sa naganap na dayaan at huli na umano nang maliwanagan sila na ginamit ang kanilang grupo upang maglaan ng seguridad sa mga magta-tamper o magtatakip sa iregularidad noong 2004 elections.

Humingi rin ng paumanhin ang grupo ni Santiago sa asawa ng yumaong Fernando Poe Jr. na si Susan Roces at sa sambayanang Filipino dahil sa kanilang pagkakamali.

Isinumite ng grupo ni Santiago kay Justice Secretary Leila de Lima ang 34 orihinal umanong election returns (ER) na ninakaw sa Batansan Pambansa noong Enero 2005.

“We would like to extend our apology to the Filipino nation, especially to madam Susan Roces for the error and at this point we are trying to rectify,” ani Santiago.

Kasama ni Santiago na nagtungo sa DOJ sina PO2 Rudy Gahar, PO2 Alan Layugan, Rodel Tabangin, Trifon Laxamana at P01 Norman Duco.

Hindi pa rin makapagsumite ng affidavit ang grupo ni Santiago. Sinabi ng kanilang legal counsel na si Atty. Vic Rodriguez, nahihirapan silang gumagawa ng affidavit dahil sa sitwasyon nila na palipat-lipat ng lugar na pagtataguan

Iginiit ni Santiago na kumilos sila noon batay sa utos ni dating PNP Chief Hermogenes Ebdane at dating Special Action Force Director Marcelino franco.

Nilinaw naman ni Santiago na wala silang personal na nalalaman kung si dating First Gentleman Miguel Arroyo ang nasa likod ng operasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply