Sarah Geronimo kinakawawa ng sariling pamilya

GRABE ang mga usaping nakarating sa amin through a neighbor nina Sarah Geronimo sa kanilang tinitirhan sa isang village malapit sa Mindanao Avenue.

Kumakain pa naman kami habang nagkukuwento ang aming source kaya medyo nawalan kami ng gana sa sobrang morbid na kuwento niya. Tumigil na lang kami sa pagkain para hindi na masuka.

Anyway, tungkol sa kalinisan ang kuwento nito sa amin. Sosyal daw kasi ang village na tinitirahan nila, malinis at talaga namang may sarili pang guwardiya. Kumbaga, de klase naman na hindi mo ikahihiya na puwedeng ipagmalaki sa mga bisita.

“Pero ang bahay nina Sarah, ang dumi ng paligid, mabaho, yung kanilang garahe, mapanghi dahil sa ihi ng aso nila. Marumi talaga na nagkalat ng uu ng mga aso nila. Mga tamad sila, hindi naglilinis, palibhasa galing lang sila kung saan kaya di maka-maintain ng paninirahan sa isang sosyal na lugar,” kuwento pa ng kausap namin.

Dugtong pa sa kuwento ng aming source yung katamaran ng mga pamilya ni Sarah, lalo na raw yung dalawang kapatid niyang babaing mas matanda sa kanya. “Puro lang sila palamunin, si Sarah ang nahihirapan. Siya ang kumikita pero sila, nakahilata na lang halos maghapon. Ayaw gumalaw, ni ayaw maglinis ng kanilang bakuran. Hindi kaya sila nahihiyang naaamoy ng mga dumaraan at mga kapitbahay ang alingasaw ng kanilang bahay,” sabi pa nito.

Dugtong pa nito. “Yung tatay ni Sarah, mahilig magsugal, sabungero. Lagi raw humihingi ng pera kay Aling Divine. Para di na mag-away, nagbibigay na lang si Divine. Pero si Sarah, daming balita na ni hindi nakahahawak ng perang kinikita niya. Halos wala siyang tulog, puro pagpapasarap lang ang kanyang pamilya.”

Ni hindi na nga raw nakapag-debut ng bongga si Sarah, sa halip sa ASAP lang ito ginawa.
Kumontra daw kasi yung dalawang kapatid na babae ni Sarah dahil sila di rin nakaranas na magkaroon ng debut party.”

Mahirap talaga pala ang buhay ni Sarah, kaya siguro mas maganda lang itong tigil muna siya sa trabaho at asikasuhin naman ang sarili. Pati lovelife niya noon, isinakripisyo, alang-alang sa  mga kapatid na mga batugan naman.

So there!

***

Sampung taong di nagpakita, biglang lumitaw si Analou Lorenzana

PARANG kailan lang talaga yung nasa mainstream na rin si Analou Lorenzana. Si Analou po ay dating talent promoter sa Japan na nagkaroon ng puwang sa showbiz bilang singer.

Nakapagpatayo siya noon ng isang sosyal na bar sa Timog na halos tambayan na ng mga taga-showbiz. Dami recollection ni Analou sa kanyang bar pero klasik yung mga revelation niya abot an aged singer at isang dating barakong aktor na ngayon ay sinabing nagladlad na.

“Nakakaawa na ngayon yung may edad ng singer, isang araw, tinawagan niya ako, humihingi ng tulong, wala na raw siyang pera at maysakit ang kanyang anak.

‘”Yung actor naman minsan nagkita kami, nagtawanan na lang kami, sabi ko, marami pa siyang utang sa akin dahil sa mga binasag niya sa aking bar noon,” sabi pa ni Analou.

Well, off the record yung mga kuwento kaya wa muna name names tayo sa kanila.

Dagdag na kuwento ni Analou ay yung reklamo sa isang lady reporter na trumaydor daw sa kanya. Na oras na makita raw niya ito, maghahalo ang balat sa tinalupan. Sobrang grabe raw talaga na ipinakilala na ni Analou sa isang group of friends at nagkapera nang malaki ang lady reporter, pero sa bandang huli, siya pa’ng siniraan nito. “Lagot siya sa akin, harinawa, ‘wag magkrus ang aming landas, dahil pag nagkataon, ibabalik ko ang  ___ niya.”

Sinadya naming gawing blangko yung bahagi ng katawang ibabalik ni Analou dahil giveaway ito na kapag sinabi namin, siya na yun, walang misteryo.”

Anyway, Analou is now co-managing Sophie’s Comedy Bar and Resto na nasa BF Homes malapit sa Tahanan Village. It is the only comedy bar along the circuit kaya madalas dayuhin ito ng mga customer, particularly yung mga konektado sa politics. Annalou and Architect Rhodel who co-owns Sophie’s Bar, believe na dadayuhin nga ang lugar nila na pawing magagaling ang mga bading na komedyante at singer. And take note, may special day sila on Tuesdays na featured ang isang magandang singer na sexy at parang labanos sa kaputian. When we visited the place, bongga, dahil nag-sample ang mga bading, pati na yung female performer na may screen name na GARA. Biritera ito and she can give any other singer in the biz a run for their money.

Analou is now dreaming to continue where she left off. Di ba, siya yung manager noon ni Rizza Villafuerte na sexy star sa Seiko Films. Sa hindi maganda nagwakas yung samahan nila pero this time, with GARA as her talent, lahat daw talaga, gagawin niya para mapasikat ang kanyang alaga.

Welcome back Analou Lorenzana!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply