Sasakyan ibinalik na ng mga obispo sa PCSO

ILIGAL man o hindi porma ng donasyon sa Simbahang Katoliko, ayon kay Bishop Orlando Quevedo, ay isasauli ng pitong obispo ang sasakyan sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa kanilang pagdalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, mahigpit na tinanggihan din ni Quevedo ang panukala ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na huwag nang isauli ang sasakyan dahil mahusay na ginagamit naman ito ng kani-kanilang parokya.

Ayon kay Quevedo, kailangan maisauli kaagad sa PCSO ang kontrobersiyal na sasakyan upang magkaroon ng linaw sa isyung bumalot ngayon sa Simbahang Katoliko na siyang dumurog sa Inang Simbahan.

“The vehicles in Mindanao will be return to the duly representative of PCSO and the vehicles from Luzon is now in the Senate to be returned the vehicles to PCSO ,” ayon kay Quevedo.

Inamin ni Butuan Archbishop Juan de dios Pueblos, nagkaroon siya ng maling personal na desisyon sa paghingi ng personal gift mula kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Nilnaw naman ni Quevedo na hindi sila nakatanggap ng Pajero katulad nang paratang ng ilang media partikular ang isang Nissan Pajero kaya tinagurian silang Pajero 7.

Sa kanyang statement na binasa sa pagdinig, sinabi ni Quevedo ng Zamboanga Archdiocesan Social Action Apostolate na totoong humingi siya ng sasakyan sa PCSO upang maitaguyod ang kanilang kampanya laban sa human trafficking at child abuse.

“Our social action office has no vehicle and we concluded that we should request for a vehicle from the government for the mobility of our personnel in combating anti-human trafficking and anti-child abuse campaign,” ayon kay Quevedo.

Aniya, tanging Toyota Grandia van ang kanyang natanggap mula sa PCSO na siyang ginagamit naman ng kanyang diocese upang itaguyod ang kampanya laban sa human trafficking at child-abuse.

“Rest assured it is not for my personal use. To state clearly for everyone to hear, we did not received from PCSO a Pajero (as reported in the media) or any luxury vehicles for my personal use,” ayon kay Quevedo sa Senate panel.

Para naman kay Isabela, Basilan Archbishop Martin S. Jumoad, kanyang ibabalik ang Mitsubishi 4×4, ligal man o iligal ang porma ng donasyon sa kanya ng PCSO.

Sa kanyang statement, sinabi Jumaod na ginamit ng diocese ang naturang saskayan upang makapaghatid ng serbisyong panlipunan at relief operations sa nasasakupan na kung saan itinuturing nang industriya ang kidnapping.

“When I help, I don’t ask about,” aniya.

Aniya, noong 2009, binigyan siya ng PCSO ng isang tseke para ipambili ng sasakyan matapos ang kanyang kahilingan na mabigyan nito dahil lubha nilang kailangan sa paghahatid ng serbisyo sa nasasakupan kaya’t naipadala ang Mitsubishi van noong Enero 2010.

Aniya, partikular na pinaggamitan ng saskayan nang lusubin ng rebelde ang bayan ng Tabayan, sa Malusong kaya’t maraming mamamayan doon ang nawalan ng tahanan at lubhang nangangailangan ng tulong mula sa Simbahan.

“The service vehicle allowed us to go the place to help the victims,” giit niya.

Dahil dito, sinabi ni Jumaod na kahit anuman ang uri ng donasyon ng sasakyan, ligal man o hindi, isasauli niya ang sasakyan.

Katulad din nila, isinauli din ng lahat ng obispo na nasangkot sa isyu, ang sasakyan na nakuha mula sa PCSO.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply