Sasakyan nagkarambola dahil sa nanuyod na truck

NAGKARAMBOLA ang ilang mga sasakyan na nagresulta ng pagyupi ng isang Pioneer taxi matapos na suyurin ng isang truck Huwebes ng umaga, Hulyo 7, sa Roxas Boulevard, Ermita, Maynila.

Hindi pa natukoy ang pangalan ng taxi driver na hindi agad naalis sa kanyang pagkakaipit dahil sumuot ito sa ilalim ng truck.

Nabatid na nawalan umano ng preno ang truck at nang hindi na makontrol ng driver ay sinunod naman ang mga nakahintong pinoneer taxi at Toyota Innova.

Dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga ng truck sa taxi ay nagmistula naman itong napitpit na lata kaya hindi agad naalis ang taxi driver.

Nagtamo naman ng mga injury ang taxi driver at ang sakay ng Toyota Innova kaya isinugod ito sa ospital ng Maynila.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng Traffic Bureau ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply