Sasakyan ng pinsan ni Bong Bong Marcos kinarnap

NAWALANG parang bula ang Toyota Hi-Ace na Grandia na pag-aari ng pamangkin ng dating pangulong Fedinand Marcos, matapos ihatid ang kaibigan ng kanyang misis sa Malate, Manila, Miyerkules ng madaling-araw.

Dahil dito, pormal nang naghain ng reklamo si Mariano Marcos ll, Board Member ng Ilocos Norte; pinsang buo ni Senator Bong Bong Marcos at residente ng Mandaluyong  City, sa tanggapan ng Manila Police District-Anti-Carnapping and Carjacking Unit, upang mag-report sa pagkawala ng kanyang Toyota Hi–Ace Grandia (XJW-720) model 2003.

Batay sa ulat ni Chief Insp. Joie Pacito Yape Jr., dakong 1:30 ng madaling-araw, nang mawalang parang bula ang sasakyan ng bikitma sa harapan ng isang bahay sa 2616 Dominga St., malapit sa panulukan ng Vito Cruz St., Malate.

Nabatid na nakarating sa lugar ang biktima nang ihatid ang kasama ng kanyang misis sa bahay nito sa Malate.

Bumaba umano sila at nagtuloy sa bahay ng kaibigan ng kanyang misis at ilang oras pa ay hindi na nila nakita ang sasakyan.

Wala namang makapagsabi kung sino ang kumuha at paano nabuksan ang sasakyan samantalang bago umano bumaba si Marcos ay sinigurado niyang naka-lock ang lahat ng pinto at bintana ng kanyang sasakyan.

Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya, upang matukoy ang responsable sa pagtangay sa nasabing sasakyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply