Saudi hindi binabawal magbalik ang OFWs

PINAKALMA ng Philippine embassy sa Riyadh ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nawindang sa balita na hindi na sila makababalik ng Saudi Arabia sa oras na bumalik ang mga ito sa Pilipinas kahit para magbakasyon lamang.

Ayon kay charge ‘d affairs to Riyadh  Ezzedin Tago, walang pagbabawal ang pamahalaan ng Saudi Arabia sa pagbabalik ng mga OFW doon, lalo na ang mga may kontrata pa sa kanilang mga employer.

Nakikipag-ugnayan na umano sila sa pamahalaan ng Saudi Arabi, na nagsabing hindi totoong naging “exit-only” ang visa ng mga Pinoy mula sa “exit-re-entry” visa.

Bagama’t mayroon umanong pagbabago sa polisiya ng Saudi Arabia kaugnay ng mga dayuhang manggagawa, ngunit hindi ito makaaapekto sa mga OFWs na may kasalukuyang kontrata roon.

Nanawagan naman si Tago sa mga Pinoy na nilagyan ng “exit-only” ang mga visa na maaari lamang makipag-ugnayan sa POEA pagdating sa Metro Manila upang maayos ito sa mga awtoridad sa Riyad.

“For those to be given a final exit visa, the regulations are clear: no employee can file for an exit unless their contract has concluded, if extended sickness benefits haven’t been given, as well as unpaid salaries and allowances. A clearance must be signed both by the worker and the employer. And these must be submitted to the Saudi Ministry of Labor for approval,” ayon sa official statement ng pamahalaan ng Pilipinas.

Binigyang-diin pa ni Tago na hanggang ngayon ay walang lumalapit sa kanila na kababayan para magreklamo kaugnay ng umano’y paghihigpit ng gobyerno ng Saudi Arabia.

Samantala, naka-post na sa Phil-Jobnet ang mga trabahong puwedeng aplayan ng mga domestic helper.

Inutusan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga regional director ng Department of Labor and Employment (Dole) na palakasin ang adbokasiya sa paggamit sa Phil-Jobnet online system.

Aniya mas kailangan ito ngayon dahil sa pag-anunsyo ng Saudi Arabia na ititigil na nito ang pag-iisyu ng work visas sa mga Filipino household service workers (HSWS).

Sa report na nakarating kay Baldoz, sinabi ni Maria Criselda, direktor ng Bureau of Local Employment (BLE), ang ahensyang nasa ilalim ng DOLE na nangangasiwa sa Phil-Jobnet sa kasalukuyan ay mayroong nakapaskil na 1,191 bakanteng trabahong naghihintay sa mga domestic helper. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply