Saudization at iba pa

PALAKAS nang palakas ang Saudization at katulad nito sa Gitnang Silangan at Aprika.

Sa Saudization, ipapasok ng pamahalaang  Saudi Arabia ang mga mamamayan nito sa mga trabahong hawak sa kasalukuyan ng mga dayuhan gaya ng ating mga overseas Filipino worker.

Nagsimula nang pairalin ito ng nasabing bansa at may malakas na ring panawagang ganito sa iba pa.

Kabilang sa mga bansang gustong magkaroon ng istayl Saudization ang mga bansang may kaguluhan gaya ng Bahrain, Libya, Syria, Egypt at Yemen.

Maging ang mga taga-United Arab Emirates ay gusto ring pairalin ang patakarang ito.

oOo

Dahil sa pangyayaring ito, dapat na maghanda na ngayon pa lamang lalo na ang pamahalaan para saluhin ang mga mapapalayas sa nasabing mga bansa.

Isang katanungan na dapat na masagot ay ang bilang ng mawawalan ng trabaho sa mga bansang ito.

Sa Saudi Arabia lamang na may 1.8 milyong OFW, gaano karami ang magiging biktima ng Saudization?

May nagsasabing maaaring aabot ang mga ito sa 200,000.

Paano ang mga OFW at iba pang nabanggit na mga bansa?

Halimbawang uuwi ang karamihan sa mga ito sa bansa, ano-ano na ang mga inihahandang pagsalo sa mga ito?

oOo

Op kors ang trabahong hinahanap ng mga OFW ay katulad ng naging trabaho nila sa abrod.

Nakabubuhay ng pamilya at nakapagbibigay pag-asa sa kinabukasan.

Mayroon bang ganitong iaalok ang pamahalaan sa kanila?

Ang namber wan na kailangan dito ay pondo at kakayahan ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan na kalingain ang mga ito.

Por syur, Suki, hindi basta sasalubungin sila ng CCT ni Inday Dinky!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login