Say ng fan ni Marianita: Butas-butas raw ang script ni Heart Evangelista

MAY natanggap kaming email from Briggs Parysta <handsome_bi_discreet2011@yahoo.com>, and obviously ay supporter ni Marian Rivera, tungkol sa kasalukuyang alitan ng dalawang bida sa “Temptation Island.” Narito ang opinyon o saloobin ni Briggs.

“Nakakatawa ang script ni Heart parang butas-butas na pito-pito movies, sinasabi niya noon na walang problema sa kanila ni Marian at panay pa ang tweet niya na peace, ngayon pinasabog niya na ikinulong siya ni marian sa kuarto niya at tinalakan, parang script noon ni Belat padilla at sa CR naman ang venue, magsisinungaling din lang palpak pa. Isa pa di ba may CCTV sa airport, hindi tanga si marian na umiyak ng ganoon kay Lovi Poe kung walang nagyari, at correction lang po, walang ikinuwento si Marian ng nangyari sa airport kahit kinulit siya ng mga reporters, ang sabi lang niya, itanong na lang sa mga nakakita at iyun ang mga magsasabi kung ano talaga ang nagyari. Hay, Heart, di ba na hack ang tweeter mo? O, scripted din iyun, heheheh!

“At least si Marian kahit hindi marunong mag-English, titulado at hindi puro lalaki ang inatupag, eh ikaw, di ba nilayasan mo noon mga magulang po in favor of Jericho?” kabuuang mensahe ni Briggs.

—@@@—

PAGKATAPOS ni Vhong Navarro sa “100 Days,” (one week episode), si Vice Ganda ang isasabak sa akting ni Xyriel Manabat na nagpakitang-gilas sa role bilang Anna Manalastas (ginagampanan ni Connie Reyes-Mumar). Sa totoo lang, maraming bumilib kay Xyriel bilang role ng isang matandang namatay sa aksidente, ito’y si Anna na nagma-may-ari ng isang malaking Toy Company business.

Pinababa si Anna sa langit sa pakiusap nito kay San Pedro para ituwid lahat ang kaniyang nagawang pagkakamali sa ibabaw ng lupa. Binigyan siya ng 100 Days para gampanan ang pagiging isang forgiving at bumait na employer.

After Vice, balitang si Albie Casino naman ang ginagawan ng iskrip para maipasok ang natatanging role nito sa said primetime teleserye.

—@@@—

NAKAUSAP akausap namin ng personal si Deborah Sun sa hallway ng ABS-CBN last Monday, July 25 at aming pinag-usapan ang diumano’y pamangkin nitong si Maja Salvador.

Tinanong namin sa comebacking veteran actress kung bakit lagi nitong inaaway in print ang sariling pamangkin? Kesehodang sabihing hindi sisikat si Maja dahil meron itong attitude problem.

“Wala naman akong galit sa kaniya.” bungad nito sa amin.

“Nagtatampo lang ako sa pamangkin kong ‘yan,” bawi nito.

Ikinuwento nito na merong isang insidente noong namatay ang tatay ni Maja na si Ross Rival at sa burol nito, dumating si Deborah.

Sa isang pribadong kuwarto ng nasabing funeral home, ipinakilala ng ina ni Maja ang mga naroroong kamag-anak, si ganito, si ganyan. Nakangiti lang daw si Maja.

Maybe, in her hour of grief, maiintindihan natin na wala siya sa mood that day dahil nga namatayan ito ng tatay.

Kaya lang, no’ng uwian na raw at nagpapa-alaman nang lahat, bineso-beso lahat ni Maja ang naroroon but not Deborah.

“Hindi naman ako multo para hindi niya makita?” pabiro pa niya.

Yon pala, kaya pala nagtatanim ng sama ng loob itong si Deborah dahil wala itong malamang dahilan kung bakit dinaan-daanan lamang siya ni Maja at ‘di man lang bineso no’ng magkita sila sa lamay ng ama nito.

Ang lesson, we also have to listen to the other side of the story. Kasi nga, ang side lang ni Maja ang alam namin. Akala namin ay ginagamit lang ni Deborah ang name-sung ng  young actress para mapag-usapan? Hindi pala ganun ang kabuuan ng istorya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply