Say ni Jean: Mas effect kung susundin ni Cherrie ang script ng kanilang danserye

SA LUNES pa lang magsisimulang ipalabas ang “Time of My Life,” ang kauna-unahang danseye sa GMA pero may sumabog nang controversy sa dalawang main stars dito na sina Jean Garcia at Cherrie Gil. Sinampal daw ni Cherrie si Jean sa isang eksena nila kahit wala naman daw ito sa script. Kaya mabilis na kumalat ang isyung may inse-curity raw na namamayani sa dalawa.

Mismong si Zoren Legaspi ang nag-scoop ng balitang ito sa “Paparazzi” last week. May ilan din ang nag-iisip na baka isang malaking promo lang ito para sa show.

“Definitely, this is not a publicity stunt. Hindi naman ako ganoong ka-cheap para pumayag sa ganoong klaseng promo. Aba, nasaktan din naman ako nang bonggang-bongga sa nangyari. Pero huwag na lang nating palakihin pa ito. Okey naman kami ni Cherrie. There’s no bad blood between us. Nadala lang siya sa confrontation scene namin kaya niya ‘yun nagawa. Bilang isa ring artista, naiintindihan ko siya sa puntong ‘yun.

“Still, sana kung may naiisip siyang gawin na ganoon next time, mas maa-appreciate ko kung sasabihan muna niya ako para hindi naman ako masorpresa in due courtesy sa akin. Or mas mabuti pang gawin na lang niya ang ipinapagawa ng director sa kanya at huwag na siyang magdagdag pa,” pahayag ni Jean.

Hindi kaya nai-insecure si Cherrie sa kanya dahil mas magaling siyang sumayaw dito?

“Hindi naman siguro. Hindi na importante kung sino ang mas magaling sumayaw sa aming dalawa. Ang mahalaga ay nagkakatulungan kami para mas lalong mapaganda ang teleserye namin. At saka I don’t think mai-insecure si Cherrie sa akin dahil mas beterana na siya rito sa industriya at may acting awards na siya. And I fully respect her as an actress,” pahiwatig ni Jean.

Kimumusta naman namin sa kanya ang anak niyang si Jennica Garcia na napabalita namang buntis lately.

“Pinagtatawanan lang namin ni Jennica ang balitang ‘yan kasi it’s totally untrue! Irregular kasi minsan ang mens ni Jenn kaya minsan delay siya pero hindi ibig sabihin noon e buntis na siya.

“Nakakasigurado ako sa kalagayan ng anak ko kasi she lives with me kaya nakikita ko siya araw-araw. Okey ang bonding namin ng anak ko. She tells me everything. At saka matino naman ang boyfriend niya ngayon na si Alwyn,” tugon ni Jean.

***

NITONG mga nakaraang buwan ay marami tayong nababalitan na kesyo nagiging problematic na si Mark sa taping. Kesyo nagiging matigas na ang ulo niya at lagi na siyang late. Sa madaling salita ay unprofessional na raw siya. At ang tinuturong dahilan ay ang pagkabaliw niya sa kanyang girlfriend na si Ynna Asistio.

“That’s completely untrue! Puro kasinungalingan lang ‘yan. Ako pa ang magpapabaya sa trabaho ko? Maski tanungin niyo ang staff at mga kasamahan ko sa Time of My Life kung naging problema ba ako sa oras o sa schedule? Ang nakakainis lang, si Ynna lagi ang tinitira nila. Kesyo nagkakaganito raw ako dahil kay Ynna. Tigilan na nila si Ynna dahil wala naman siyang ginagawa.

“Sa katunayan, hindi siya nega sa buhay ko. She’s a positive thing nga sa akin dahil dahil sa kanya ay tumino ako nang husto. Hindi na ako chickboy dahil sa kanya. Three years and a half na ang relasyon namin ni Ynna at siya na ang pinakamatagal kong naging girlfriend ever sa buhay ko. And our relationship is still going strong. Siguro dahil magkasundung-magkasundo kaming dalawa. Hindi kami nag-aaway,” pahiwatig ni Mark.

Speaking of Mark, madalas pala siyang kumain sa Classic Savory na ngayon ay nago-offer na ng meryenda meals tulad ng chicken, beef and wanton mami, shrimp okoy at chicken sotanghon. May lima ring bagong dishes tulad ng polonchay, kaylan, stuffed shrimps, beer battered fish fillet at smoked fish lumpia. May 44 branches na ang Classic Savory nationwide at madalas itong puntahan ng mga taga-showbiz dahil sa sarap at mura ng mga pagkain dito. Bukod kay Mark paborito rin itong puntahan ni Annabelle Rama, Gina Pareño, Ogie and Regine Alcasid at Pia Guanio.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply