SC pinababagsak yata si PNoy

DALAWANG desisyon ng Korte Suprema ang naglalagay sa alanganin sa pamahalaan ng Boss nila na si PNoy.

Una, yung ukol sa Hacienda Luisita.

Ikalawa, yung ukol sa expanded value added tax sa toll sa mga highway gaya ng South at Luzon Expressway, Subic-Clark-Tarlac at iba pang may sinisingil na toll.

oOo

Yang kontrobersiya sa Hacienda Luisita, Suki, ay pangunahing usapin ng repormang agraryo.

Pamamahagi ng lupa para sa mga magsasaka at manggagawang bukid na walang lupa.

Akalain ba nating naglabas ang Hukuman ng desisyon na nagtatakda ng dalawang pagpipilian ng mga magsasaka o manggagawang bukid: sosyo sa kompanya na Hacienda Luisita Inc. o lupa.

Kapag pinili ng mga magsasaka-manggagawang bukid ang sosyo at laging nagdedeklara ng pagkalugi ang HLI, gutom na yan na katakot-takot. Eh dinaya pa umano ang sosyohan para magmukhang kakarampot ang kabuuang sosyo ng mga maglulupa.

Eh kung pipiliin naman ng mga maglulupa ang lupa at paghati-hatian nila ang asyenda, baka masakerin uli sila.

oOo

Itong 12% EVAT naman sa mga toll ay mabigat.

Para sa mga taga-timog, kabilang na ang mga taga-Visayas at Mindanao, na daraan sa SLEX, maglalaro ang toll sa 250-300% na pagtataas.

Ipapataw din ang 12% sa sobrang taas nang toll sa mga taga-Norte sa NLEX at SCTEX.

Magmamahal na lahat ng sobra ang pamasahe at presyo ng mga bilihin na daraan sa mga kalsadang ito.

Mabibigatan nang husto ang mga motorista na dumaraan sa lahat ng mga haywey na ito.

Ngayon, sino ang may ganang papalakpak sa SONA ni PNoy bukas, huh?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply