Second place target ng Petron, B-Meg

PUNTIRYA ng Petron Blaze at ng B-Meg Llamados ang segunda puwesto sa PBA Governor’s Cup mamayang 7:45 ng gabi sa salpukan nila sa Araneta Coliseum.

Ang Talk N’ Text ang nananatiling nasa ibabaw ng 10-team composition ng single round elimination tangan ang 4-1 win-loss slate na sinusundan ng Rain Or Shine, Petron Blaze at B-Meg Derby Ace Llamados na pawang tangan ang 3-2 slate.

Ang laro ngayong gabi ay wawasak sa tumpukan ng tatlong team na kung saan kakawala ang mananalo.

Susubukan ng Meralco Bolts na umangat sa tablahan nila ng Barangay Ginebra tungo sa ika-5 posisyon sa pagharap sa nasa buntot ng standings na Air21 Express na hindi nakatitikim ng panalo kumpara sa apat na pagkatalo.

Ipaparada ngayong gabi ng M-Boys ang bagong import na Tim Pickett kasunod ng pagpapauwi sa 2-conference import na si Champ Oguchi. Layunin ng Meralco na makaiwas na patuloy na pagdausdos kasunod ng dalawang pagkatalo laban sa Gin Kings at B-Meg Llamados.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply