Security Aide ni Isko Moreno pinatay

PINASOK sa bahay at pinagbabaril ang isang security aide ni Manila City vice-mayor Isko Moreno sa Tondo, Manila, umaga ng Huwebes, Hulyo 7.

Ayon sa report ng DZBB, binaril sa ulo habang natutulog si Almario Ignacio, 37, residente ng Tondo, kabilang sa internal security ni Vice Mayor Isko Moreno.

Base pa sa salaysay ng anak, binantaan pa umano sila ng suspek bago ito umalis.

“Bigla na lang binuksan ang pinto, tuluy-tuloy, at pinutukan. Sunud-sunod po. Tapos ng putok nagsitayuan kami. Bago umalis, tinutukan kami. Sabi, ‘walang magsasalita, wala kayong nakita, papatayin ko kayo,’ sabay alis,” ayon sa anak ng biktima.

Ayon pa sa ulat ng Manila Police District homicide investigators, mayroong kasama ang salarin na nanatili lamang sa labas ng bahay na nagsilbing lookout.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply