Security forces lilimitahan sa intel funds

LILIMITAHAN na ng House Committee on Appropriations ang paglalaan ng intelligence funds sa security forces ng bansa sa taunang pambansang budget.

Binigyang diin ni Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, chairman ng nabanggit na komite na masusi na nilang rerebisahin ang 2012 proposed budget lalo na kung paano inilatag ang intel funds.

“I agree to limit the intel fund to security forces,very insulting naman na mas malaki pa ang PCSO intel fund kaysa sa PNP, its part of transparency and oversight,” sinabi  pa ni Abaya.

Ito ay kaugnay pa rin sa pumutok na anomalya sa PCSO ukol sa umano’y paggamit sa intelligence fund ng ahensya.

Paliwanag pa ni Abaya na sila na rin naman  ang magrerekomenda sa Malacanang na ilaan na lang sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang lahat ng intel funds para matiyak na hindi magagamit sa iba pang agenda.

Pinag-aaralan na rin ng komite ayon kay Abaya kung maaaring isailalim sa auditing ng Commission on Audit ang intel funds bilang bahagi ng transparency na ginagawa ng administrasyon Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply